^

Pang Movies

Robin at Vina pilit nili-link, effort sa MMFF movie nila nakakalimutan na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kagaya sa inaasahan, dahil nagkasama na naman sila sa isang project, muling nauungkat ang naging love affair nina Robin Padilla at Vina Morales noong araw. Pero sa tingin namin ay hindi na nga dapat, dahil una, may kanya-kanya na silang buhay. May asawa na si Robin, at si Vina naman, kahit na hindi pa nakakasal ay may anak at itinuturing na ang kanyang sarili na may pamilya na nga.

Kung mapag-uusapan din nang mapag-uusapan at magiging issue pa ang naging relasyon nila noong araw, baka matakpan ang merits ng pelikulang ka­nilang ginawa. Sayang naman dahil mukhang pi­nag­buhusan nga nila ng panahon at puhunan ang proyektong iyan. Mahirap gumawa ng isang period movie, at historical pa man din. Ang material ng pelikula nila ang dapat mapag-usapan. Hindi naman iyan isang love story para gamitin pa ang kanilang naging love affair noong araw.

Hindi naman nila itinatago na nagkaroon nga sila ng relasyon, pero mukhang unfair naman iyon kay Mariel Rodriguez na siyang asawa ni Robin nga­yon. Kung ganyan nang ganyan ang usapan, baka naman ibalik na naman ang issue sa pagpapakasal ni Robin noon sa kanyang naunang asawa.

Although sinasabi nga ng iba na bilang isang Muslim, may karapatan naman si Robin na magka­roon ng apat na asawa, pero maging sa Islam ay hindi ganoon kadali ang pag-aasawa nang higit sa isa. Kaya nga hindi na dapat pang pag-usapan ang mga dati nang issues.

Saka laos na ang ganyang anggulo ng publicity. Makabagong panahon na tayo.

James gusto ang batang BF ni AiAi para sa Comedy Queen

Naging mas malapit nga ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas at ang basketball star na si James Yap. Bagama’t alam natin kung papaanong nagsimula ang kanilang friendship, lumalabas ngang mas na­ging matibay pa ang kanilang naging pagka­kaibigan nga­yon. In fact dumalo pa sa birthday celebration ni AiAi si James kasama ang kanyang girlfriend na si Michaella Cazzola.

Dahil magkaibigan nga sila, hindi na rin naiwa­san na hingan si James ng opinion tungkol sa love life ni AiAi, na sinagot naman niya nang positibo. Si­nabi niyang sa tingin niya ay ok naman ang love life ng komedyana at ang wish niya ay maging maligaya na nga ang Co­medy Queen sa pagkakataong ito.

Bagama’t para sa iba ay isang issue ang agwat ng edad ni AiAi at ng kanyang boyfriend na si Ge­rald Sibayan, sa opinion ni James ay hindi proble­ma iyon dahil nagkakasundo naman ang dalawa, at mukhang mabait naman si Gerald.

Aktor huli sa akto ng GF na may ibang babae

Huling-huli ng kanyang girlfriend ang aktor na may ka-date na iba. Malakas kasi ang duda ng girlfriend na may ibang ka-date ang male star dahil sa nahuli niyang pakikipag-chat ito noon sa kanyang social networking account. Kahit na nagtatago pa sa pangalan ng isang lalaki iyong isang girl, may suspetsa siya na iyon nga iyon.

Tumiming ang girlfriend, at nang matantiya niyang nagkita na ang male star at ang isang girl, tina­wagan niya ang male star, at the same time tina­wagan niya ang number noong girl na nakuha rin niya. Presto,  narinig niyang tumunog ang cell phone noong girl na tinawagan niya habang kausap ang male star sa isa pa nitong phone.

vuukle comment

BAGAMA

COMEDY QUEEN

ISANG

JAMES YAP

MARIEL RODRIGUEZ

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with