^

Pang Movies

Ogie pasisikatin daw si Empoy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Active na active this week ang mga local singer. Nangunguna si Ogie Alcasid na nag-launch ng kanyang talent management agency, ang ATeam.

Ipinakilala ni Ogie sa entertainment press noong Lunes ang mga bagong ta­lent ng ­ATeam, sina Empoy, Lara Maigue, Davey Langit, at QYork.

Manager na manager si Ogie nang iharap niya sa mga reporter ang kanyang mga talent na karamihan eh napapanood sa mga programa ng TV5.

Pinakasikat sa mga alaga ng ­ATeam ang comedian na si Empoy. Tawang-tawa si Ogie kay Empoy na hinulaan niya na magiging big star. Dapat magkatotoo ang prediction ni Ogie or else, mababahiran ng mga pagdududa ang kanyang kredibilidad.

Christian wala pa ring girlfriend

Si Christian Bautista ang nakakuwentuhan kahapon ng mga reporter sa grand launch ng kanyang bagong album, ang Soundtrack.

Ganadung-ganado si Christian nang kumanta dahil inspired na inspired siya sa mga magagandang kaganapan sa kanyang career.

May duet song si Christian at ang kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go. Ni-revive ng dalawa ang hit song ni Barbra Streisand na The Way We Were.

 Tinapos ni Rachelle ang recording ng duet nila ni Christian bago siya nagpunta sa London para sa musical play na Miss Saigon.

Loveless sa kasalukuyan si Christian dahil hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na foreigner. Hopefully, maging makulay ang lovelife ni Christian sa 2015 para masabi niya na kumpleto na ang kanyang kaligayahan.

Martin at Pops babalikan ang kanilang love story

Pagkatapos ng album launch ni Christian, ang ex-couple na sina Martin Nie­vera at Pops Fernandez ang haharap sa entertainment writers.

Ipino-promote ng dating mag-dyowa ang Penthouse Live, Reunion! ang concert nila na itatanghal sa susunod na buwan sa PICC Plenary Hall.

Makakasama nina Pops at Martin sa kanilang concert si Nanette Inventor na sumikat sa Penthouse dahil sa kanyang karakter na si Donya Buding.

Bubuhayin ni Nanette sa Penthouse Live, Reunion si Donya Buding na ma­tagal-tagal na rin na hindi napapanood ng madlang-bayan.

Natuwa ang fans ng Penthouse Live nang malaman nila na magkakaroon ng concert ang original cast. Ang Penthouse Live! ang isa sa mga sikat na TV show noon ng GMA 7.

Popular na popular ang programa dahil sa real-life romance nina Pops at Martin. Nagsimula sa set ng  show ang kanilang love affair.

Acting ni Andre Paras napansin ng star awards

Nominated si Andre Pa­ras sa Star Awards for Te­levision ng Philippine Movie Press Club na idaraos sa darating na Linggo sa Solaire Resort & Casino.

Tiniyak ng GMA Artist Center na dadalo si Andre sa awards night ng PMPC. Hindi totoo ang tsismis na pinagbabawalan si Andre na umapir sa Star Awards for TV.

Nominated si Andre sa Best New Male Personality category ng Star Awards for TV dahil sa performance niya sa The Half Sisters ng ­GMA 7.

 Maligayang-maligaya si Andre sa nomination na natanggap niya mula sa PMPC. Tuwang-tuwa rin siya dahil marami ang pumupuri sa kanyang mahusay na pagganap sa afternoon teleserye ng Kapuso Network.

Agree ako sa mga komento na mas magaling na dramatic actor si Andre kesa sa kanyang tatay na si Benjie Paras. Marami kasing pinaghuhugutan ng emosyon si Andre. Marami raw o!

vuukle comment

ANDRE

CHRISTIAN

DONYA BUDING

EMPOY

KANYANG

OGIE

PENTHOUSE LIVE

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with