^

Pang Movies

Best actress plaque ni Liza Diño mumurahin ang hitsura, parang walang prestige!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pala natuloy ang kasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño nitong buwan na ito sa Amerika. Gaganapin sana ‘yun after ng ASAP show sa Los Angeles.

Sinamahan na lang ni Aiza ang girlfriend sa isang festival sa New York City upang tanggapin ang best actress award niya. Ito rin ‘yung festival kung saan nanalo ng best actor si Jake Cuenca.

Proud ngang idinispley nina Jake at Liza ang plaque na tinanggap nila sa organizer ng festival. Para namang walang kaporma-porma ‘yung plaque, huh! Hindi man lang tropeyo ang ibinigay sa da­lawa! Mukhang mumurahin ‘yung plaque!

Anyway, next year na raw magaganap ang kasal nina Aiza at Liza sa abroad at bukod doon, may se­remonyas pang mangyayari rito sa atin.

Ogie halos dalawang dekada bago makakaapak uli sa ASAP

Hindi makapaniwala si Ogie Alcasid na makakapag-guest uli siya sa ASAP. Nang makumpirma ang guesting niya, agad niyang ipinagmalaki ‘yon sa kanyang Twitter account, huh!

Imagine, after 18 years, muling tutuntong si Ogie sa stage ng ASAP kahit na nga sa TV5 na siya nakakontrata.

Pero kahit na nu’ng Kapuso artist pa siya, hindi binawalan si Ogie na gumawa ng kanta bilang theme song ng teleseryes ng Dos, huh!

Enzo laging kasama ang ipinalit kay Louise

Hindi raw nagtatago si Enzo Pineda matapos ang break up nila ni Louise de los Reyes. Gusto raw niyang magtrabaho at after Dormitoryo last year, ngayon lang uli siya nagkaroon ng series sa GMA, ang More Than Words nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

“Hindi naman ako nagtatago. Para sa akin, ibang phase lang ‘yon ng buhay ko. Magtatrabaho na ako. Hindi na dyowa. Saka priorities muna! Ha! Ha! Ha!” sey ni Enzo nang aming makausap sa press launch.

So ano ang natutunan niya sa break up na ‘yon?

“Huwag munang basta ibigay ang puso ngayon! Ha! Ha! Ha! ‘Pag ready na, ‘pag ready nang magkapamilya, doon na magseryoso! Saka mag-focus muna sa priorities.

“Kasi kung maggi-girlfriend ka and stuff like that, mas maganda naman kung alam mong successful ka. Alam mong marami ka nang na-achieve,” katwiran niya.

Natuto naman siya?

“Natuto naman ako. Ano ba ang mga payo mo?

“Hindi. Happy naman ako. Ang dami kong ginawang look test para sa GMA. Matagal na ring akong pini-pitch na maging kontrabida. Heto, finally, nakuha ko na rin,” saad pa ng aktor.

May sakit pa ba siyang nadarama?

“Wala na. Move on na! Ilang buwan na rin ‘yon at may kanya-kanya na ka­ming buhay. Mas importante muna ‘yung priorities at trabaho.

“Hindi talaga nag-work. Basta na-cherish ko ‘yung moments before. Okey na sa akin ‘yon. At least, you learn from that person. Wala naman akong pinagsisisihan. Kailangan mong tanggapin na hindi talaga ‘yung tamang path. May tamang path para sa ‘yo!” paliwanag pa ni Enzo.

May kapalit na si Louise sa puso ngayon ni Enzo na dating classmate at lagi niyang ka-date ngayon.

 

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ELMO MAGALONA

ENZO

ENZO PINEDA

JAKE CUENCA

JANINE GUTIERREZ

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with