^

Pang Movies

Sarah waging Best Southeast Asia Act sa Europe

- Vinia Vivar - Pang-masa

Si Sarah Geronimo ang nanalo para sa Best Southeast Asia Act at the MTV Europe Music Awards (EMA), isa sa pinakamalaking music global events of the year na nagbibigay ng parangal para sa hottest artists from around the world.

Si Sarah ang ibinoto ng fans from the region at nakalaban niya ang Up Dharma Down (Filipino band), NOAH and Agnez Mo of Indonesia, Yuna of Malaysia, Stefanie Sun of ­Singapore, and Slot Machine of Thailand.

Dahil si Sarah ang nanalo sa Southeast Asia, may tsansa na siya para manalo sa prestigious Worldwide Act award category kung saan ay maaari ulit siyang iboto ng kanyang mga fans para manalo.

Pwedeng bumoto ang mga fans niya sa mtvema.com. Will be announced at the MTV EMA show at the SSE Hydro in Scotland on Nov. 8.

Enrique nagtitiis sa ginaw, kumot ipinahiram kay Liza

Ibinuking ni Direk Cathy Garcia Molina ang sweet gesture ni Enrique Gil sa leading lady na si Liza Sobe­rano habang nagti-taping sila ng Fore­vermore sa Benguet Province.

“Kahapon, ang lamig-lamig ng eksena na­min,” kwento ni Direk Cathy, “so ‘yung kumot, pinahiram ko kay Enrique kasi wala pa si Liza.

“Nung dumating si Liza, na kay Liza na (ang kumot). Tapos siya (Enrique) naman itong nangi­nginig sa ginaw.”

Puring-puri ni Direk Cathy ang kabaitan ni Enrique. Napaka-gentleman daw ng young actor at sa lahat ng mga tao sa set ay malambing daw ito, hindi lang kay Liza.

Kaya hindi raw niya masabi kung may gusto si Quen (Enrique) kay Liza dahil sweet nga raw ito sa lahat ng tao sa set.

“Magiliw siya sa lahat, so, hindi ko ma-ano kung “ano ba to, special treatment na ba ‘to?” Kasi, lahat, pati sa staff, pati PA ko, ganu’n din siya kalambing,” say ni direk.

Actually, consistent ang sinasabi ng mga co-star niya kay Enrique kaya naniniwala kaming likas na mabait ang young actor. Magmula kay Joey Marquez, Lilet, Marissa Delgado, Zoren Legaspi, Kit Thompson, nakausap namin silang lahat sa set at iisa ang deskripsyon nila kay Quen – malambing daw ito at napakagandang makisama.

Pero say ni Direk, bago pa nila gawin ang serye ay may naririnig-rinig na siyang tsismis na type nina Enrique at Liza ang isa’t isa.

“Pag pinapanood ko sila, para ngang meron pero walang nag-aano, ni hindi nga sila magkasama parati, ‘yung ganu’n,” say ni Direk Cathy.

Pero hindi raw naman talaga ideal na maging mag-on ang magka-loveteam dahil pag nag-aaway, apektado ang trabaho.

“Saka, bata pa naman sila, huwag muna, he-he-he,” say pa ni Direk Cathy.

James at Nadine may trending finale

 Puno ng kilig at saya ang trending finale  ng Wansapanataym Presents My App Boyfie na pinagbibidahan ng Kapamilya stars na sina James Reid, Nadine Lustre, at Dominic Roque.

 Sa huling dalawang episode ngayong weekend (Oktubre 25 at 26) ng My App Boyfie, mawawalay na si Anika (Nadine) sa nilikha niyang “app boyfriend” dahil sa pagkuha ng kanyang tiyahin na si Stella (Cherie Gil) sa computer tablet na nagkokontrol dito matapos matuklasan ng lahat ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Joe (James).

Ano ang gagawin ni Anika sa oras makalimutan siya ni Joe dahil sa pakikialam ni Stella sa application na lumikha dito? Maibabalik pa ba niya ang alaala ng kaisa-isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal o tuluyan na ba itong mabubura sa buhay niya?

vuukle comment

AGNEZ MO

ANIKA

BENGUET PROVINCE

BEST SOUTHEAST ASIA ACT

DIREK CATHY

ENRIQUE

KAY

LIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with