^

Pang Movies

Dahil malakas ang resistensiya, KC hindi gaanong ininda ang sakit

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabuti naman at naging mabilis ang paggaling ni KC Concepcion. Nadale rin kasi siya ng dengue at kailangang ma-confine sa ospital. Dinaanan din niya ang lahat ng karaniwang ginagawa sa mga may dengue, kailangan siyang salinan ng platelets, at uminom din ng lahat ng gamot. Suwerte nga lang siya at nasa isang komportable siyang ospital. Hindi kagaya ng maraming nagkakasakit ng dengue na kung minsan mahirap gumaling dahil nasa mga masisikip na ospital sila, at kung minsan magkatabi pa sa kama dahil sa kakulangan ng mahihigaan.

Sinasabi nila na mabuti rin naman daw at malusog ang katawan ni KC bago siya tinamaan ng dengue, dahil kung mahina ang kanyang resistensiya, natural na mas magtatagal sa kanya ang nasabing sakit.

Siguro rin, ang isa pang mabilis na nakapagpagaling kay KC ay ang katotohanang binibigyan naman siya ng atensiyon ng kanyang mga kaibigan at mga mahal niya sa buhay. Malaking bagay iyan sa mga taong may sakit. Mabilis silang maka-recover kung may nakakausap silang mga taong gusto nila.

Paglabas ng ospital, nang maging normal na ang kanyang platelets, para lamang nagdahilan si KC at nagbalik na agad siya sa kanyang trabaho. Taping na agad siya, dahil serye nga ang kanyang ginagawa at kailangang tuluy-tuloy ang trabaho.

Iyang ganyang klase ng propesyonalismo ang masasabi naming siguro nga ay natutuhan ni KC sa kanyang inang si Sharon Cuneta. Ganyan din si Sharon sa trabaho. Kung may sakit lang at hindi na niya kaya talaga saka lang nagpapaalam, pero kung hindi tuluy-tuloy din siya sa kanyang trabaho.

Kylie napaboran sa Demanda ni Aljur sa GMA

Inamin ni Kylie Padilla na malaking bagay para sa kanya na wala na ngayon sa GMA 7 ang dati niyang boyfriend na si Aljur Abrenica at hindi na sila nagkikita. Hindi naman niya itinago na sumama ang loob niya sa nangyari sa kanilang relasyon. Lumabas pang siya ang masama at ni hindi naman siya ipinagtanggol ni Aljur, ganoong sa totoo lang wala naman siyang alam sa naging problema.

Ganoon pa man, nagkasundo silang tapusin na rin ang kanilang relasyon, at sa palagay namin ay nakabuti iyon kay Kylie.

Siguro kung hanggang sa ngayon magsyota pa rin sila, baka nadamay pa siya sa hindi magandang nangyayari sa career ni Aljur.

Aktor pinagsasawaan nang tulungan ng isang network

Mukhang ibinabasura na ng isang major network ang isang aktor na wala naman talagang ibubuga kung iisipin. May kinakapitan nga lang malalakas kaya nagkakaroon ng assignment. Pero anong lakas man ng kanyang mga padrino, may limitasyon din naman ang pagtitiyaga ng network sa actor na ito.

Dahil alam niya iyon, nilapitan niya ang isang dati niyang benefactor para bigyan naman siya ng trabaho sa ibang network, at alam naman natin kung ano ang kapalit noon.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

KANYANG

KUNG

KYLIE PADILLA

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with