^

Pang Movies

Daniel kukunin na ang mga magulang sa Brazil, magpapaka-Pinoy na rin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi masisisi si Daniel Matsunaga kung gusto na niyang mag-stay sa Pilipinas kasama ang kanyang family. Sa mga interview sa kanya, very vocal siya sa pagsasabing gusto na niyang papuntahin ang parents niya para rito na sila manirahan. Ang sister niyang si Vanessa, ay nagkaasawa na rito at dito na naninirahan. For one, may sarili nang house si Daniel na napanalunan niya nang siya ang tanghaling winner sa katatapos na Pinoy Big Brother All In ng ABS-CBN. At nagsunud-sunod na rin ang iba pa niyang projects, isa rito ang pagiging brand ambassador ng San Marino Tuna Flakes in two variants, ang In Oil at Hot and Spicy. Happy si Daniel na hindi nasayang na pinanatili niyang maganda ang katawan niya kahit ilang buwan din siyang nag-stay sa PBB house, doing heavy chores, mga challenges ng bawat housemate. Hindi niya kinalimutang mag-exercise at kumain ng food rich in protein, kahit pagod.

Kailangan daw kasi ng isang nagtatrabaho ng mabigat na maraming protein sa kanilang katawan. At naniwala siyang nakukuha niya ang protein needs ng kanyang body sa pamamagitan ng pagkain ng San Marino Tuna Flakes pagkatapos ng kanyang work out.

Ano ang bago ngayon kay Daniel, tama ba ito sa campaign ng produkto, ang What’s New, What’s Next? Ang bago sa kanya, ang ginawa niyang TV commercial na nang ini-launch, nakita si Daniel sa iba’t ibang activities tulad ng trapezing, wall climbing, rapelling na sinubukan ding gawin ng ibang entertainment press na dumalo. Ngayon, ang what’s next kay Daniel, bukod sa lalong pag-improve ng kanyang hunk body, isa ring project ang sisimulan niya sa ABS-CBN at movie sa Regal Entertainment.

Marian lagare sa kanyang mga shower party

Nagpasalamat si Marian Rivera sa kanyang best-friend-forever na si Roxanne Barcelo sa tulong ng wedding coordinator niyang si Teena Barretto sa ibinigay nitong masayang #3rdBridalShowerNiYan last Sunday afternoon, October 19, sa One Sweet Day sa Bonifacio Global City.  May temang Hello Kitty Loves Tea Party, ang mga dumalo ay pwedeng magpa-foot-spa, manicure and pedicure, bukod pa sa sumptuous meal na inihanda para sa mga guests. Bilib si Marian na naimbita nila ang mga friends na matagal na niyang hindi nakakasama, Kapuso man o Kapamilya, o Kapatid.

Dumalo sina Ai Ai delas Alas, Angelica Panga­niban (yes, friend siya ni Marian), Sheena Halili, Katrina Halili, LJ Reyes, Luane Dy, Rochelle Pangilinan, Ayen Laurel, Glaiza de Castro (para nga raw nag-reunion ang mga cast ng Amaya.), Louise delos Reyes, John “Sweet” Lapus, Krystal Reyes, Sarah Lahbati, Diana Zubiri, Bettina Carlos, Diva Montelaba, at Rita Avila. Naimbita rin si Gigi Uson na matagal nang hindi nakikita ni Marian.  Si Gigi raw ang nagturo kay Marian ng runway modeling noong commercial model pa ang actress.

Ang first bridal shower ni Marian ay ginanap sa Hong Kong Disneyland na isinama niya ang mga close friends niyang sina Ana Feleo at Boobay, ang kanyang Mama Amalia at Lola Francisca.  Ang pangalawa niyang bridal shower ay bigay ng Metro Mall at ng mga ini-endorse niyang products.  Gift sa kanya ay mga gamit sa bago nilang bahay ni Ding­dong at ang honeymoon package sa Palawan ng Hana Shampoo.

 

vuukle comment

AI AI

ANA FELEO

ANGELICA PANGA

AYEN LAUREL

BETTINA CARLOS

NIYANG

SAN MARINO TUNA FLAKES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with