^

Pang Movies

Mag-inang Charice at Racquel todo iyak nang magkaayos!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Parehong naging emosyonal ang mag-inang Charice and Racquel Pempengco kahapon sa ASAP habang kinakanta nila ang Maghintay Ka Lamang.

Nagkaiyakan pang lalo nang nagsalita na sila ng kanilang saloobin after the number.

“Two weeks pa ako umuwi pero hindi pa ako nagiging emotional sa kanya. Hindi pa ako nakapagpasalamat sa lahat kasi nahihiya ako. I just want to say that everything, kung sino man ako ngayon, lahat ‘yun, ‘yung lakas ng loob nakuha ko sa ‘yo.

“At kahit na anuman ‘yung nangyari dati, ito pa rin tayo nasa harap ng buong mundo, sinasabi natin sa kanila na kahit anong masama ang inisip nila sa atin, akala nila hindi tayo magkakaayos, pamilya tayo,” pahayag ni Charice na umiiyak.

Ayon pa sa singer, ito raw ang best achievement in her life so far habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

Ayon naman kay Mommy Racquel, gaano man katagal na lumipas ang panahon, nananatili siyang nandito pa rin at naghihintay sa kanyang mga anak para bumalik.

 “Kahit anon’g mangyari, mahal na mahal ko pa rin kayo (her children),” she said.

Matatandaang matagal-tagal ding nagkatampuhan ang mag-ina matapos ang pag-a-out ni Charice sa kanyang sexual preference.

LJ walang idea kung naipakilala na ni Paulo ang anak kay KC

Ayon kay LJ Reyes, hindi raw niya alam kung may relasyon na sina KC Concepcion at ang ex-boyfriend niyang si Paulo Avelino. Hindi naman daw siya nagtatanong sa aktor dahil hindi naman daw sila friends.

“As I’ve said, civil pa lang ang relationship namin (ni Paulo), hindi pa friends talaga. So, hindi ko pa maitanong,” say ni LJ.

But personally, ano ang tingin niya or masasabi niya kay KC?

“Ay, siyempre, KC Concepion naman po ‘yun, isang matalinong babae, karespe-respeto po talaga. At ‘yun, mahilig din po siya sa bata, alam ko, I heard,” she said.

Wala raw siyang anything against KC.

 “Wala po, wala po talaga. And kung mag-open-up siya (Paulo) sa akin, okay lang din naman po, kung sasabihin niya sa akin.”

Paano kung magtanong ang anak nila ni Paulo na si Aki about KC?

“Ah, “ask Daddy, I don’t know anak, eh, you ask Daddy.” Ite-text ko na lang si Pau na ‘umayos ka ng sagot.’ Hindi, joke lang,” natatawa niyang sabi.

Napag-usapan naman daw nila ni Paulo na kapag nagtanong si Aki ay ie-explain lang nila nang maayos ang mga bagay-bagay.

Kahit naman daw noong kahihiwalay pa lang nila ni Paulo ay in-explain na raw niya agad kay Aki na hindi na nila makakasama sa isang bahay ang Daddy nito.

Constant naman daw ang communication ni Aki kay Paulo at basta raw may time naman ang aktor ay mini-meet nito ang anak.

Wala nga lang daw siyang idea kung naipakilala na ni Paulo kay KC ang anak nila.

As for her personal life, after Paulo ay wala pa raw siyang nagiging karelasyon. Bagama’t mara­ming natsitsismis daw sa kanya, aniya ay tsismis lang daw ‘yun.

 “Lagi namang may natsitsismis sa akin. Pero wala pa talaga. Wala eh, busy ako ngayon at kung mayroon mang lumalapit, parang wala pa sa isip ko muna.

 “Siyempre, ang hirap din kasi, hindi ko rin alam kung paano tatantiyahin if ever kasi may anak ako, eh, alam mo ‘yun? Ayoko nang hindi seryoso,” pahayag pa ng aktres na bida sa indie film na Bigkis with Mike Tan, Rosanna Roces, Enzo Pineda, and Rich Asuncion mula sa direksyon ni Buboy Tan.

 

vuukle comment

AKI

AYON

DAW

KUNG

NAMAN

NILA

PAULO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with