^

Pang Movies

Wansapanataym may perfect ending

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahalagahan ng pagtanggap sa sarili ang huling aral na ibabahagi nina Nash Aguas, Alexa Ilacad at ng boy group na Gimme 5 sa TV viewers ngayong weekend (Setyembre 20 at 21) sa huling dalawang episode ng Wansapanataym Presents Perfecto.

Ngayong unti-unti na niyang nakukuha ang lahat ng kanyang kagustuhan, malalagay sa panganib si Perry (Nash) dahil sa masamang balak ng mahiwagang nilalang na si Bounce na kunin ang kanyang katauhan.

Ano ang gagawin nina Perry at Kylie (Alexa) para pigilan ang mga plano ni Bounce? Sa huli, matututunan na ba ni Perry at ng kanyang ina na hindi nila kinakailangan maging perpekto para maging lubos na masaya?

Bahagi rin ng Perfecto sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, Melai Cantiveros, Alexa Macanan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Onat Diaz.

Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ALEXA ILACAD

ALEXA MACANAN

BRACE ARQUIZA

CANDY PANGILINAN

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

GRAE FERNANDEZ

JOAQUIN REYES

JOEL MERCADO

JOHN BERMUNDO

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with