^

Pang Movies

Ayaw pang isipin si Carla o kasal: Tom inuuna muna ang pagpapatayo ng bahay para sa mga magulang

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inamin ni Tom Rodriguez na sa first taping day niya ng Don’t Lose The Money sa GMA 7, inatake siya ng nerbyos at tinatanong niya ang sarili niya kung ano ang gagawin niya. Natakot siya at parang nanghina ang kanyang mga tuhod. Pero nagpasalamat siya na isa sa mga celebrity contestants ay ang best friend niyang si Dennis Trillo at dumating din ang nali-link sa kanya, ang ka-love team na si Carla Abellana.

“Silang dalawa ang nagpalakas ng loob ko,” sabi ni Tom. “First time ko lamang magho-host ng isang franchise game show, na very successful sa Germany, kaya talagang pinaghandaan ko, kaya sina Dennis at Carla, alam nila ang pinagdaanan ko ng oras na iyon kaya their support means a lot to me.”

Kaya hindi naiwasang tanungin si Tom kung sila na ba ni Carla dahil nakikita nga silang magkasama. Dumadalaw si Carla kapag may taping si Tom, bukod pa sa magkatambal sila sa drama series nilang My Destiny. Ayaw daw muna niyang unahin ang kanyang lovelife. Ayaw din niyang madaliin si Carla, basta masaya naman sila together. Alam daw niyang darating din sa tamang panahon ang tungkol sa love niya kay Carla. 

Hindi pa rin daw naman siya ready na mag-asawa, kahit noong araw, gusto niya na at 26, mag-asawa na siya. He’s now 26, pero ang dream niya ay magtrabaho pa at mag-ipon dahil gusto niyang ipagpagawa ng bahay dito ang parents niya na naka-base ngayon sa States.

Gusto niyang mag-retire dito ang parents niya, kasama siya. Saka raw naman siya magpa­patayo ng sariling bahay  at sa magiging family niya.
Samantala, pinanood ng mga entertainment press kung paano laruin ang Don’t Lose the Money. At nagkaroon ng chance ang ilan sa kanila na ma-experience ang paglalaro nito. Dalawang teams na may tatlong member ang maglalaban. Ang bawat team ay sasabak sa iba’t ibang mga physical challenges kung saan ang dapat lamang tandaan ay huwag mabibitiwan ang mga perang maiipon nila habang ginagawa nila ang challenge.  Ang team na may pinakamaraming maiipong pera ang magiging winner. 

Bukas na, September 22, ang pilot telecast ng Don’t Lose The Money after ng Basta Every Day Happy at bago ang The Ryzza Mae Show na spe­cial guest nga pala ni Ryzza Mae Dizon si Super­star Nora Aunor na nagpu-promote ng horror mo­vie nitong Dementia.

vuukle comment

AYAW

BASTA EVERY DAY HAPPY

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

LOSE THE MONEY

MY DESTINY

NIYA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with