^

Pang Movies

DOJ Sec. Leila de Lima nagiging pakialamera na raw kay Cedric

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi kami sa kani-kanino, pero sa palagay na­min napakasama naman noong bintang nila sa judge na nagbigay ng piyansa kina Cedric Lee, Zim­mer Raz, at Deniece Cornejo. Sa paningin kasi ng hukom, kulang pa ang katunayan na talagang nagkaroon nga ng kaso ng serious illegal detention, kaya nga para hindi naman masabing dahil sa pressure ng kung sino ay nilabag nila ang karapatan ng mga akusado na magpiyansa, pinayagan niya ang bail, after all walang objections ang prosecution nang ihain ang petition for bail.

Nang gawin niya iyon, may lumabas agad na, si­guro raw nalagyan ang judge. Kesyo hindi na dapat pang pagtiwalaan ang judge na humatol sa kasong iyon. Pero hindi ba unfair naman iyon sa isang hukom na siguro ginawa lang ang kanyang trabaho dahil sa nakita niyang mga bagay-bagay sa kanyang pag-aaral ng kaso?

Walang neutral party na nagsasabi ng ganyang paninira. Maski naman si Secretary Leila de Lima, hindi mo masasabing neutral sa kasong iyan dahil sa simula pa lang, siya ang nagpa-imbestiga at nagsasalita pa sa mga nakuha nilang ebidensiya. In fact masasabi ngang wala pang kaso, may pre-judgement na si De Lima sa kasong iyan. Ngayon, siya rin ang nagsasabing incompetent ang judge dahil hindi pumabor sa kanyang pananaw sa nasabing kaso.

Kung kami iyong judge, hindi kami patatangay sa kanilang pressure, at lalong hindi kami mag-iinhibit sa kaso para malaman nila ang sinasabi nila. Unfair iyon sa judge.

Kung kami ang tatanungin, dapat pabayaan nila ang hukuman ang siyang gumawa ng lahat ng desisyon, after all ang appreciation ng mga ebidensiya na kanilang ihaharap ay sole prerogative ng hukuman. Kung gusto nila, umapela sila sa mas mataas na hukuman, pero pangit iyong magkakalat ka ng tsismis na hindi maganda o gagawa ka ng comment nang wala sa ayos. Unless may motibo ka talagang mawala ang tiwala ng mga mamama­yan sa hukuman.

Dating ‘alalay’ nina Jose at Wally, malakas ang laban sa Miss World!

Natatandaan pa ba ninyo iyong estudyante na nag-OJT lang noon sa Eat Bulaga, tapos nakasama nina Jose Manalo at Wally Bayola doon sa kanilang remote broadcasts, iyong si Valerie? Nagulat kami, siya pala iyong Valerie Weigmann na isa sa mga contestant ngayon sa Miss World Philippines. At natural makikilala siya dahil madalas itong napapanood noon sa Eat Bulaga, at nagkaroon na rin naman ng mga fan base, isa siya ngayon sa pinakasikat na contestant sa pageant na iyon.

At siyempre, dahil ngayon ay ayos na ayos na siya, hindi kagaya noon na parang alalay lang siya ng mga komedyante, mas maganda siyang ‘di hamak ngayon. Kung inayusan pala si Valerie noon, mas maganda pa siya kaysa sa ibang co-host ng Eat Bulaga.

Mga artistang nagkakamali hindi dapat alipustahin

Ang daming kuwento ng mga artistang uma­bot sa masamang lagay ang buhay. Tao lang din naman sila na nagkakamali. Ang mahalaga, iyong nakakabangon ulit. Ang masama, iyong gumagawa ng mali tapos ayaw nang bumangon at iniaasa na sa iba ang pagtayo nila.

vuukle comment

CEDRIC LEE

DE LIMA

DENIECE CORNEJO

EAT BULAGA

IYONG

JOSE MANALO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with