^

Pang Movies

Vhong hindi pa nagre-react sa pagpapalaya kina Cedric et al…!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nag-iisa ang PSN (Pilipino Star NGA­YON) columnist na si Papa Tony Calvento dahil isa siya sa milyun-milyong Pilipino na hindi makapaniwala na pinayagan ni Judge Paz Esperanza Cortes  ng Taguig Regional Trial Court na magpiyansa sina  Cedric Lee, Zimmer Raz, at Deniece Cornejo.

Ang tatlo ang mga accused sa serious illegal detention kay Vhong Navarro noong January 22, 2014. Nakulong ang tatlo mula nang mada­kip  pero pansamantala lamang dahil maka­kalaya na sila kapag nakapagpiyansa ng P500,000 each.

Number one supporter ni Vhong si Papa Tony kaya speechless ito sa naging pasya ng korte. “I’m speechless …really can’t believe this,” ang kanyang reaksyon.

Sa totoo lang, surprising talaga ang desisyon ng Taguig RTC pero  hindi na ito bago. Mas marami pa ang shocking na sitwasyon at insidente.

Hinihintay ang reaksyon ni Vhong sa pasya ng korte na pagkalooban ng temporary freedom ang grupo na nanakit sa kanya.

Huwag na nating asahan na magsasalita si Vhong dahil kung kilala natin ito, siguradong ipapaubaya niya sa kanyang legal counsel ang pagsasalita.

Kung tayo nga, nagulat sa desisyon ng judge na may hawak ng kaso, si Vhong pa kaya na mismong involved sa asunto?

Kylie wala nang planong balikan si Aljur

Ayaw magbigay ng opinyon ni Kylie Padilla tungkol sa pag-alis ng kanyang ex-boyfriend na si Aljur Abrenica sa bakuran ng GMA 7.

Mas interesado pa si Kylie na sagutin ang mga question tungkol kay Rayver Cruz na hinuhulaan na magiging next boyfriend niya.

Malabo nang magkabalikan sina Aljur at Kylie dahil nakuha na ni Rayver ang atensyon ng dalaga. Nakita ni Kylie ang malaking pagkakaiba ng ugali nina Rayver at Aljur.

Kinumpirma ni Kylie na hindi pa napapatawad  si Aljur ng kanyang fadir na si Robin Padilla kaya walang reason para makipag-reconcile siya sa ex-dyowa niya.

Kylie nag-aalala sa magiging reaction ni Robin kay Rayver

Malakas ang buhos ng ulan noong Linggo ng gabi pero hindi ito naging hadlang para kanselahin ni Mother Lily Monteverde ang pictorial ng mga artista ng Dilim.

Ang Dilim ang coming soon movie ng Regal Films. Si Mother Lily ang punong-abala sa pictorial ng Dilim at dito nakausap ng mga reporter sina Kylie at Rayver.

Witness ang mga reporter sa sweetness ng dalawa. Medyo nag-alala si Kylie nang sabihin ng mga reporter na baka mag-react ang tatay niya sa sobrang sweetness nila ni Rayver. Afraid pa rin si Kylie sa tatay niya na kinikilatis ang lahat ng mga mhin na nagpapalipad-hangin sa kanya.

Karapatan ni Robin na maging mahigpit at mapagmasid dahil babae ang kanyang anak.

Baby Zion muntik nang masapawan ang lola Annabelle

Umapir kahapon si Baby Zion sa presscon ng Season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

First time ng bagets na dumalo sa isang presscon kaya na­windang siya sa rami ng mga tao at mga camera na nakatutok sa kanya.

Muntik nang masapawan ni Zion ang Lola Annabelle Rama niya na  mabentang-mabenta sa mga interbyu dahil hindi uso sa kanya ang mga off the record na kuwento.

Mabait na bata si Zion dahil behaved na behaved ito habang nagaganap ang presscon. Hindi siya katulad ng ibang bata na malikot at mahilig magpapansin.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG DILIM

BABY ZION

KYLIE

RAYVER

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with