^

Pang Movies

Toni ayaw manahin ang trono nina Kris at Pops

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayaw pumayag ni Toni Gonzaga na siya ang papalit sa trono ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Aniya ay walang pwedeng pumalit sa Queen of All Media at nag-iisa lang daw ito.

“Walang pwedeng pumalit sa kanya dahil nag-iisa lang siya. Si Ate Kris ay anak ng bayani, nakikita sa pera ang parents niya. Ako, ang parents ko, nakikita lang sa Taguig,” pagbibiro ni Toni sa presscon ng kanyang 15th anniversary concert, ang Celestine: Toni Gonzaga.

Say niya, hindi raw niya kaya ang ginagawa ni Kris at siyempre, mas gusto niyang makilala bilang Toni Gonzaga herself at hindi raw dapat pinapalitan ang isang tao.

“Walang dapat pumalit sa isang tao dahil magkakaiba naman tayong lahat. May kanya-kanyang mga bagay na kayang gawin at hindi kayang gawin. Hindi ko kaya ang ginagawa ni Ate Kris,” she said.

Biniro rin si Toni na baka siya rin ang papalit sa trono naman ni Pops Fer­nandez bilang Concert Queen lalo pa’t ito ang producer ng kanyang concert.

Say ni Toni, hindi rin daw, dahil marami pa siyang bigas na kakainin para makapantay ang isang Pops Fernandez.

Celestine: Toni Gonzaga anniversary concert will be held on October 3 at MOA (Mall of Asia) Arena.

Cong. Lito nag-aalala sa patung-patong na ginagawa ni Pacman

Aminado si Congressman Lito Atienza na nag-aalala siya para sa ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao dahil sa rami ng ginagawa nito ngayon.

Halos lahat na lang yata kasi ay sinubukan na ni Pacman aside from boxing – politika, TV, at ngayon, baskeball, at bilyar.

He will be coaching team Kia sa PBA (Phi­lippine Basketball Association) at may billiard tournament pa siyang sinimulan. Bukod dito, may hosting job pa siya sa GMA 7.

Ito ay sa gitna ng paghahanda niya para sa laban niya sa November kay Chris Algieri.

Ayon kay Tito Lito na matalik na kaibigan ni Pacman, sana raw ay magdahan-dahan naman ang boxing champ.

“Sometimes I get worried, lalong-lalo na may laban siyang darating, hindi naman balewala ‘yun. Nakita n’yo si Algieri,” say ni Congressman nang mainterbyu namin sa presscon niya for Maynila, ang programang ipino-produce niya sa GMA 7.

“I hope he settles down and really trains hard for Nov. 23 (fight). I have no doubt, he will win kaya lang ayokong parang kapos,” he said.

Matagal nang magkaibigan sina Tito Lito at Pacman. Mayor pa lang noon ng Maynila si Congressman ay magkasama na sila at ilang beses na rin itong nag-cameo sa Maynila.

Sa mga bagong episodes ng Maynila ay magkakaroon din ng cameo appearance si Cong. Atienza kaya biniro siya kung magkano ang talent fee niya.

“Wala nga, eh,” sambit niya.

Labing-anim na taon na ring umeere ang Maynila at napatunayan ni Cong. sa kanyang mga detractors na nagsa­sabing pangkampanya lang ang show na hindi ito totoo dahil nagtuloy-tuloy ang show at uma­bot ng ganito katagal.

Napapanood ang Maynila every Saturday at 10:30am.

Halikan nina Bea at Paulo pumatok

Grabe ang reaksyon ng televiewers and netizens sa “the kiss” scene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Nag-trending talaga ito at pinag-usapan sa social media.

Karamihan sa mga comments na nabasa namin ay sobrang nakakakilig daw ang dalawa at ang tawag nila sa tandem nina Bea at Paulo ay RosePat na hango mula sa pangalan ng karaket nila na Rose and Patrick.

vuukle comment

ATE KRIS

BASKETBALL ASSOCIATION

BEA

MAYNILA

NIYA

PACMAN

TITO LITO

TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with