^

Pang Movies

Jane natatabunan ni Vickie?

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kilig-kiligan ang viewers sa guesting ni Daniel Matsunaga last Sunday sa The Buzz. Kahit ang hosts na sina Toni Gonzaga at Kris Aquino ay hindi naiwasan na i-link ang Brazilian-Japanese model kay Vickie Rushton gayung kasama rin nito ang kanyang BF na si Jason Abalos sa talk show ng ABS-CBN.

Kaya naman nagre-reguest ang ilang netizens na gawan din ng love triangle na project sina Daniel, Vickie, at Jason. Gusto talaga nilang si Jason pa ang gawing kontrabida sa magiging love team nina Daniel at Vickie kung sakali. Nakitaan na raw kasi ng che­mistry sina Daniel at Vickie sa loob pa lang ng Pinoy Big Brother house.

May nag-wish naman na gawing bida-kontrabida si Daniel para mailabas naman daw nito ang bad side niya. Puro na lang kasi kabaitan ng hunk-model ang napanood ng fans sa loob ng PBB house.

Nilangaw tuloy ang beauty ni Jane Oi­neza na kasabay na nag-guest ni Vickie dahil nasentro na ang usapan kina Daniel at Vickie. Pero in fairness, napakaganda ni Jane na may star factor na ang dating.

Kylie parating iniiwasan ng mga lalaki

Ang cute ng plugging ni Kylie Padilla para sa MYX Philippines kung saan siya ang tampok na celebrity VJ ngayong buwan ng September.

Ipinakita sa promo ng MYX Channel na umiiwas ang mga lalaki kay Kylie, kahit si Kylie pa ang lumalapit o umaakbay sa mga lalaking staff & crew ng MYX. Nasagot ang tanong ng singer-actress kung bakit siya iniiwasan ng mga mhin sa production team ng MYX nang ipakita ang picture ng kanyang ama na tinaguriang Bad Boy na si Binoe.

Effective naman ang ginawang promo para sa guesting ni Kylie sa MYX.

Pero ang totoo, expert si Kylie sa wushu, gymnastics, arnis, Muay Thai, at sakali ay kayang-kaya nitong protektahan ang sarili. Pero siyempre to the rescue pa rin si Robin at nakabantay pa rin sa anak sakaling may lalaki uling magpaiyak dito.

vuukle comment

BAD BOY

DANIEL MATSUNAGA

JANE OI

JASON ABALOS

KRIS AQUINO

KYLIE PADILLA

MUAY THAI

PERO

VICKIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with