^

Pang Movies

Sequel ng pelikula tuluyan nang ibinaon, produ ‘di kinaya ang mga nag-inarteng bida

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ayaw nang problemahin pa ng isang independent film producer ang pagtuloy sa sequel ng isang nai-produce niyang pelikula dahil nag-iba na raw ang ugali ng ibang cast members nito.

Big hit nga ang naturang indie film at napag-usapan na nga nila ang sequel nito. Handa na raw ang budget ng project at meron na raw itong script, pero ang natatanging problema ay ang cast.

Problema na nga raw ang schedules nila, problema pa ang pagkakaroon ng attitude problem ng dalawang kasama sa cast.

Unang-una ay humingi ng mas mataas na talent fee ang dalawang kasama sa cast. Medyo disappointed ang producer dahil alam naman nilang independent producer siya at hindi niya makakaya ang pagtaas ng talent fee ng dalawa.

Bukod nga sa demands ng mga ito sa talent fee, may mga iba’t ibang kondisyones pa.

‘Yung isa ay bukod sa mataas na talent fee ang hinihingi, may mga pakikialam pa siyang gagawin sa script. Bukod pa sa cut-off time at may approval pa siya sa final cut ng pelikula.

‘Yung isa naman, bukod din sa pagtaas ng talent fee ay nagde-demand ng hiwalay na dressing room sa mga kasama nito sa cast. At may sarili siyang schedule na ibinigay. At makakaalis siya ng set kapag gusto niya.

Kaya ang producer, imbes na ma-excite na gawin na ang sequel ng pelikula, naisip na lang niyang i-shelve ito dahil nakikita na niyang magiging problema ang dalawang artista niya.

Nawala na raw ang respeto niya sa dalawa dahil wala na ang pakikisama na inaasahan niya noong una silang nagkatrabaho. Nagpapataasan sila ng isang aktres na hindi niya alam kung bakit.

Kaya naisipan na lang ng producer na bagong pelikula na lang ang gawin niya. Kesa nga naman makipagtrabaho pa siya sa dalawang artista na walang ipinapakitang pagtanaw ng utang na loob, doon na lang siya sa mga baguhang makakatrabaho niya na mauunawaan ang situwasyon ng isang indie film producer.

Pamilya ni Heart nabuo uli sa proposal ni Sen. Chiz

Naging daan nga ang proposal ni Sen. Francis “Chiz” Escudero kay Heart Evangelista para mu­ling magkasundo ang Ongpauco Family.

Nag-post si Heart ng photo sa kanyang Instagram account kunsaan masaya itong kasama ang kanyang inang si Cecile Ongpauco at ang kapatid nitong si Camille.

May caption pa itong “My mom and sissy”

Patunay lang na walang magulang na matitiis ang kanyang anak, lalo na’t mararanasan na nito ang sinsasabing pinakamasayang araw ng kanyang buhay.

Nagkalimutan na nga ang mag-inang Cecile at Heart sa mga masasakit na nasabi nila sa isa’t isa at todo-suporta na ito sa magiging wedding ng kanyang anak sa lalaking pinakamamahal niya.

Kung matatandaan ay naging vocal ang ina ni Heart sa pag-ayaw nitong makarelasyon ng kanyang anak si Chiz noong 2012. Umabot pa sa puntong tinawag ng ina ni Heart si Chiz na “alcoholic”, “opportunist”, at may “personality defect”.

Simula noon ay hindi na nagkausap ang mag-ina at ang ama na lang na si Reynaldo Ongpauco ang tanging nakakausap ni Heart.

Ngayon ay happy family na ulit ang mga Ongpauco at wala nang magiging balakid sa magiging kasalanan nila Chiz at Heart.

Mariah nai-insecure sa career ng asawa kaya nakipaghiwalay?!

Simula noong sumabog ang paghihiwalay ni Nick Cannon sa kanyang misis na si Mariah Carey, napanood kamakailan ang host ng Ame­rica’s Got Talent na hindi na suot ang kanyang wedding ring.

Marami ang nasanay nang nakikita nila ang kumikislap na wedding ring ni Nick. Pero nitong nakaraang live show ay wala nang kumikislap na singsing ito.

Isa ngang masasabing dahilan daw ng kanilang paghiwalay ay ang hindi pagtanggap ni Mariah na mas maganda ang takbo ng career ng kanyang estranged husband ngayon dahil sa America’s Got Talent.

Ang latest album kasi ni Mariah ay lukewarm lang ang pagtanggap ng publiko.

 “When things don’t go well career-wise, sometimes you turn on your other half,” ayon sa isang source na taga-People Magazine.

Nakatira pa rin si Mariah sa New York apartment nito samantalang si Nick daw ay palipat-lipat ng tinitirhan na hotel.

Namataan din si Mariah kamakailan na hindi rin suot ang kanyang wedding ring. Pinalitan niya ito ng isang butterfly ring.

Dahil nga sa pinirmahang kontrata ni Nick noong ikinasal sila, hindi siya puwedeng magpa-interview tungkol sa kanilang paghihiwalay or else ay may financial consequences ito kapag nagsalita siya laban kay Mariah.

vuukle comment

BUKOD

CECILE ONGPAUCO

CHIZ

GOT TALENT

HEART

KANYANG

MARIAH

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with