^

Pang Movies

Mahusay na aktres walang reklamo kahit laging hintay nang hintay sa taping

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tahimik daw lamang at hindi nagrereklamo ang isang mahusay na actress kahit lagi siyang naghihintay sa set bago makunan ng eksena.

Naiintindihan daw niya kung palipat-lipat din siya ng set dahil mara­ming locations silang ginagamit sa taping.  May mga times pa nga raw na nasa set na siya saka mapa-pack-up ang taping.  Katwiran na raw lamang ng actress, matatapos din naman ang work niya at alam niyang kasama sa work nila ang mga aberyang iyon.

Bianca hindi pa nawawala ang pagka-sensitive

Willing ang tween actress na si Bianca Umali na i-feature ang buhay niya sa Magpakailanman nang makausap siya sa set nila ng Niño. Hindi naman kasi inililihim ni Bianca na lumaki siyang walang mga magulang dahil pareho silang pumanaw noong bata pa siya at lumaki siya sa panga­ngalaga ng kanyang lola.  Dahil nag-iisa lamang siya, natuto siya, hindi man matapang, na hindi mag-depend sa ibang tao, inihanda lamang niya ang sarili niya sa anumang mang­yayari, at naniniwala siyang mas mature siya kaysa ibang fourteen-year old na tulad niya.

Ang hindi raw lamang niya maiwasan, iyong maging sensitive lalo na kung may mga panlalait mula sa ibang tao o kung hindi siya naiintindihan kapag may ginawa siyang hindi gusto ng iba.

Ipinagpapasalamat niya na isa siyang artista, kaya ang mga nararamdaman niya, pinaghuhugutan niya lalo na sa mga dramatic scenes na ginagawa niya sa Niño.

Marya magpapahinga muna sa serye

Pahinga muna si Diamond Star Maricel Soriano sa soap sa TV pagkatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real, isang movie muna ang inihahanda para sa kanya ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films. Malamang isang romantic-comedy, para naman light ang mga eksena ‘di tulad ng sa Ang Dalawang Mrs. Real.  Si Andoy Ranay din ang gusto ni Boss Vic na magdirek ng movie.  Huling idinirek ni Andoy ang successful movie na Talk Back and You’re Dead sa Viva Films na hanggang ngayon ay palabas pa rin sa mga sinehan.

vuukle comment

BOSS VIC

MRS. REAL

NIYA

SIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with