^

Pang Movies

Social climber kasi, female celeb nadenggoy ng P300K, Birkin bag na nabili peke pala

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mapagkunwari ang female celebrity na ito. Ipi­nakikita nga niya sa kanyang mga kasabayan sa showbiz na kaya niyang bumili ng mga mamaha­ling mga bagay. May image kasi siyang gustong ma-achieve at iyon ay ang maging sosyal.

Idol kasi ng female celebrity ang mga tulad nila Paris Hilton at Kim Kardashian. Nais niyang ma-reach ang estado ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga mamahaling bags, sapatos, alahas, at mga damit.

Pinaka-biggest achievement nga niya ay ang ma­kabili ng mamahaling Birkin Bag. Status of success kapag iyon na ang bag na bitbit mo.

Nabili ni female celebrity sa mababang presyo ang Birkin Bag sa isang Japayuki na nakilala niya via Facebook. Ibinenta sa kanya ang Birkin Bag na half the price sa original na presyo nito dahil naga­mit na raw ito ng naturang Japayuki ng ilang beses na.

Dahil atat na magkaroon ng gano’ng bag, buy agad ang social climbing female celebrity kahit na ‘di pa niya nakikita ang kabuuan nito. Mula pa lang sa kahon niya ito nakita at hindi na siya nag-bother na i-research kung authentic na Hermes bag ito.

Kaya pagkabili niya, agad niya itong nirampa sa mga parties na pinupuntahan niya. Natural na mang­hang-mangha ang mga showbiz friends niya dahil afford na niya ang makabili ng Birkin Bag.

Pinamamalita ni female celebrity na in-order niya ito online at isang taon din daw siyang naghintay bago ito makuha.

Isang buwan pa lang niya nagagamit ang kanyang Birkin Bag, nagkaroon na ito ng damage. May bumaklas na mga stitching sa loob ng bag. Agad na nag-research online si female celebrity kung saan puwede ipagawa ang kanyang Birkin Bag. Noong mahanap niya ito, fly siya agad doon para ipaayos.

Pagdating doon ay sinabi niya ang naging da­mage sa loob ng bag. Tining­nan lang ng bag expert ang buong bag at sinabi na hindi nila ito magagawa dahil fake ang Birkin Bag nito.

Nagtanong ang female celebrity kung paano nito nasabing fake ang bag, eh galing pa ito sa original na casing nito. Pinakita ng bag expert na wala itong metal seal sa loob at iba ang lining ng bag. At dapat may kasama itong letter of authenticity. Dahil wala lahat iyon, fake ang Birkin Bag.

Obviously, hindi ito alam ng social climber na female celebrity. Dahil sa sobrang atat siya, gumastos siya ng P300,000 para sa isang fake na bag mula sa isang Japayuki na hindi na niya mahanap sa Facebook.

Miley todo-suporta sa mga homeless

Big winner sa nakaraang MTV Video Music Awards si Beyoncé na nag-uwi ng tatlong trophies kabilang na ang Michael Jackson Video Vanguard Award.

Nauwi ni Beyoncé ang trophies for Best Video with a Social Message and Best Cinematography for Pretty Hurts. At ang collaboration nila ng mister niyang si Jay-Z na Drunk in Love won Best Collaboration.

Kasama ni Beyonce si Jay-Z at ang anak nilang si Blue Ivy nang tanggapin niya ang kanyang lifetime achievement award. Patunay lang na walang nagaganap na problema sa kanilang samahan.

Si Miley Cyrus naman ang nag-uwi ng award for Video of the Year for Wrecking Ball.

Ang tumanggap ng kanyang trophy ay ang kaibigan niyang si Jess na isang homeless at nagbigay ito ng emotional speech.

Isa si Miley sa sumusuporta sa movement to end youth homelessness.

vuukle comment

BAG

BIRKIN

BIRKIN BAG

CELEBRITY

DAHIL

FEMALE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with