^

Pang Movies

Milyonaryong panadero, ibabahagi ang tagumpay sa kaibigang nakaratay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Grade four lang ang natapos ni Demetrio “Metring” Cuevas, ngunit dahil sa kanyang pagsusumikap ay nakapagbukas siya ng kanyang sariling tindahan, ang Cuevas Bakery na ngayon ay may 28 branches na.

Bukas (Agosto 20) sa My Puhunan,  ibabahagi ni Karen Davila ang kwento ng tagumpay ni Metring, na mula sa pagtatanim ng palay sa Batangas ay lumuwas ng Maynila upang magtrabaho bilang tagapaglako ng pandesal.

Milyonaryo na si Metring ngayon, ngunit sa kabila nito ay hindi niya kinakalimutan ang kanyang pinagmulan. Sa  My Puhunan,  tutulungan niya ang kanyang dating kaibigang si Luis na ngayo’y nakaratay na dahil sa tuberculosis.

Sabay na naglako ng tinapay sina Metring at Luis at sabay din silang na­ngarap na magtagumpay. Ngunit nagkahiwalay sila ng landas. Habang nagsikap at nagtipid si Metring upang makapagbukas ng sarili niyang panaderia, si Luis naman ay nakapag-kolehiyo at naging empleyado ngunit nahilig sa pambababae at pag-inom ng alak. Ano nga ba ang sorpresa ni Metring kay Luis?

vuukle comment

AGOSTO

ANO

BATANGAS

BUKAS

CUEVAS

CUEVAS BAKERY

KAREN DAVILA

LUIS

MY PUHUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with