^

Pang Movies

Baby Nate gifted daw, mga nurse na nakakita nawindang!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa si  Ogie Alcasid sa nababalitang may malaking kargada sa mga lalaking artista. Eh, lalaki ang anak na si Nate kaya naman tinanong namin sa kanya ‘yon kung may pinagmanahan ang anak.

Hindi naman diretsong sinagot ni Ogie ang tanong namin. Sa halip ay naikuwento niya ang reaksyon ng isang nurse na nakakita ng “pototoy” ni Nate.

“Nakakatawa ‘yon. Sasabihin niya, ‘Dad, Mom, strong! Kasi ‘yung ano niya (nakatayo)…! Ha! Ha! Ha!” chika ni Ogie

“Ang tawag niya roon, strong! Strong ako, strong! Strong nga! Ha! Ha! Ha!

“Heto, nakakatawa ito. Kasi nu’ng nagkasakit siya, inaano siya ng nurse. Sabi ng nurse, ‘Ma’am, ang laki-laki naman! Laki naman niyan!’ Tawa nang tawa si Regine. ‘Luka-luka itong nurse na ito! ‘Hindi! Ang laki ma’am!’ Ha! Ha! Ha!” sabi pa niya.

So nagmana talaga si Nate sa kanya?

“Hindi! Ha! Ha! Ha! Tawa ako nang tawa nang marinig ko. Strong daw siya!” iwas ng host-singer-actor.

Ang kinatuwa ni Ogie, marunong na umihi nang mag-isa sa toilet ang anak.

Siya nga pala, bakit hindi siya naging naughty sa mga shows niya?

“Ahhh, kasi, Lasalista ako eh. Hindi ako tinuruan ng ganoon. Napaka-conservative kasi ng school namin. Araw-araw, nagrorosaryo,” katwiran ni Ogie.

‘Yun nga lang, may naughty side rin naman niya. Nawala na nga lang ‘yon dahil naging maayos na nang pagsasama nila ng dating asawa na si Michelle Van Eimeren.

Kaya ngayon, ayaw na ni Ogie muling mahiwalay sa asawa.

“Huwag na! Hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala si Regine!” deklara ni Ogie.

Anyway, sa bagong concert ni Ogie na Throwback Thursday with Mr. A sa Music Museum sa August 28, mga kantang sumikat nu’ng ‘80s ang repertoire niya. Kanya ring bibigyan ng tribute ang kaibigan na si Francis M sa concert.

Ella at Albie bibigyan ng launching movie

Hataw sa pagtu-tweet ang cast ng Somebody to Love ng Regal Films dahil sa Grade A ang binigay ng Cinema Evaluation Board (CEB). Ito ang se­cond movie this year ng Regal na nagawaran ng A grade. Una ‘yung So It’s You nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Bisi-bisihan sina Carla, Kiray Celis, at Matteo Guidicelli na masayang-masaya sa recognition ng CEB. Mas doble ang happy ni Direk Joey Reyes dahil nga walang restrictions ang mag-ina na Mother Lily at Roselle sa direksyong ginawa niya.

Base nga sa nakapanood ng movie, magsi-set ng trend ang STL sa ipinakitang husay ni Direk Joey.

Lumutang din daw ang chemistry sa screen nina Ella Cruz at Albie Casino. Kaya isang solo project na maglulunsad sa love team ang isasagawa ni Roselle. (Pero pinakamagaling talaga si Iza Calzado Tito. Hehehe – SVA)

vuukle comment

ALBIE CASINO

CARLA ABELLANA

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREK JOEY

DIREK JOEY REYES

NATE

NIYA

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with