^

Pang Movies

Mga kasama ni Paolo sa video scandal todo-deny!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan ngayon ang denial ng mga babaeng sinasabing kasama ng news anchor na si Paolo Bediones sa kanyang kontrobersiyal na sex video na kumalat sa Internet noong mga nakaraang araw. Hindi rin namin alam kung bakit inuusisa pa nilang pilit kung sino nga ang babaeng nasa video, bagama’t siguro nga madali naman iyong makikilala noong mga talagang kakilala niya dahil hindi naman itinago ang kanyang mukha sa sex video na iyon. May ilang pagkakataon pa ngang hinawi pa ng lalaki ang buhok ng babae para makita ang mukha nito.

Mukhang hindi rin naman apektado si Paolo sa video scandal. Hindi siya nagbigay ng anumang statement tungkol doon, at mukhang gusto na lamang niyang manahimik, na sa palagay naman namin ay isang wise move. Kung magsasalita pa siya tungkol sa video, lalo lamang hahaba ang usapan. After all wala naman siyang dapat na i-deny. Noon pa naman daw ay inamin niyang may nagawa nga siyang ganyan, pero ang alam niya ay nasira na nila. Kung papaanong may lumabas pang kopya at kumalat, iyon ang hindi malaman.

Anyway, dalawang pangalan ng babae ang lumabas na sinasabing siya niyang kasama sa nasabing video. Ang isa ay nakilalang si China Roces. Hindi niya iyan tunay na pangalan kung ‘di alias lamang na ginamit noong siya ay member pa ng isang all-girl sexy singing group at mag-aartista sana. Sa kanilang grupo, puro pangalan ng mga kalye ang ginamit na alias ng mga member.

Nag-post din si China sa kanyang social networking account, at nagpa-interview pa sa radio sa program ng isa ring gumawa ng controversial video, at sinabing hindi siya ang babaeng iyon. Inamin niyang kakilala niya at kaibigan si Paolo, pero hindi siya ang kasama ng news anchor sa sex video.

Ang isa pang pangalang lumabas ay Helen Grace Garbo Gonzales na naglabas din ng statement sa social media na hindi raw siya ang babae sa video, at mahigit na isang taon na siyang nasa abroad.

Mark panay ang pasasalamat sa amang namayapa

Yumao na pala ang nag-alaga at nagpalaki kay Mark Herras na ipinakikilala niyang ama noong una, si Jun Herras. Hindi tunay na anak ni Jun Herras si Mark, kung ‘di anak ng isang kaibigan niya, pero siya na nga ang nag-alaga kay Mark simula noong sanggol pa lamang ito dahil sa ilang kadahilanan.

May panahong sinasabing nagkaroon din ng conflict sina Mark at ang kinikilala niyang tatay, dahil sa ilang mga bagay-bagay, pero nagkasundo naman sila. Kaya nga’t nang yumao ang ama-amahan, tanging mensahe ng pagmamahal at pasasalamat ang nabitiwan ni Mark.

So far, masasabing naging mahusay naman ang pagpapalaki ni Jun Herras kay Mark, at makikita mo naman iyan sa mga values ni Mark bilang isang tao.

vuukle comment

CHINA ROCES

HELEN GRACE GARBO GONZALES

JUN HERRAS

MARK

MARK HERRAS

NAMAN

SIYA

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with