^

Pang Movies

Hayden Kho itinaob na ni Paolo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pumutok na ang balita tungkol sa alleged sex video ni Paolo Bediones, kaya puwede ko nang sabihin na siya ang blind item ko noon sa PSN Pilipino Star NGAYON tungkol sa big story na hawak ng Startalk.

Siyempre, hindi ginawa ng Startalk ang kuwento tungkol sa diumano’y sex video ni Paolo bilang respeto sa kanya. Saka sa pagkakaalam ko, ipinagbabawal na sa TV ang pagtalakay tungkol sa mga sex video scandal.

Hindi pa naglalabas ng official statement si Paolo tungkol sa eskandalo na iniuugnay sa kanya. Sa totoo lang, walang reason para maglabas si Paolo ng statement. Hindi na niya kailangan na mag-explain. Ha­yaan na lang niya na kusang mamatay ang isyu. Tama na ‘yung mga feedback na tinalbugan niya si Hayden Kho, Jr.

Pagluha ni Kris ginawan ng isyu, nakita raw kasi si Herbert

Hindi totoo na napaluha si Kris Aquino sa SONA kahapon ni P-Noy dahil nakita niya sa plenary hall ng Batasang Pambansa si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Eklay lang ‘yon ng mga baklita na naloka sa pag-iyak ni Kris.

Naluha si Kris dahil naka-relate siya sa speech ni P-Noy na naging emosyonal. Bilang kapatid na bunso, normal lang na maapektuhan si Kris dahil bihirang-bihira na makita na emosyonal si P-Noy. Mabuti na lang, nakontrol ng president ang kanyang damdamin dahil kung tuluyang pumatak ang luha niya, baka napahagulgol ng iyak si Kris.

‘Mas priority ni Lani ang asawang si Sen. Bong’

Ewan ko ba kung bakit affected ang ibang tao sa no-show ni Congresswoman Lani Mercado sa SONA ni P-Noy?

As early as last month, nagbitaw ng salita si Lani na hindi siya dadalo sa SONA ni P-Noy kaya nagtataka ako kung bakit isyu ito sa mga tao na hindi matanggap ang desisyon ng misis ni Senator Bong Revilla, Jr.

Karapatan ni Lani na huwag dumalo ‘no! At tulad nang sinabi niya, may important appointment siya na pupuntahan. Mas mahalaga naman talaga na dalawin niya sa Camp Crame ang kanyang asawa!

Papa Jinggoy

 tanggap ang pakikipagrelasyon ng kapatid na si Jerika kay Bernard

Speaking of dalaw, bumisita kay Senator Jinggoy Estrada noong Linggo ang kanyang half-sister na si Jerika at ang live-in partner nito na si Bernard Pa­lanca.

Tanggap naman ni Papa Jinggoy si Bernard bilang boyfriend ng kanyang kapatid. Hindi naman nakikialam si Papa Jing­goy sa love life ng mga kapatid niya. Iba naman ang nara­ram­daman niya sa pakiramdam ni Papa Erap Estrada na hindi pa rin daw matanggap si Bernard.

Ang sabi ng source ko, medyo mataba pa si Jerika nang umapir ito sa PNP custodial center noong Linggo. Hindi pa natatagalan nang isilang ni Jerika ang panganay nila ni Bernard kaya hindi madali sa kanya ang mag-reduce para bumalik ang sexy body niya.

Heart pang-first lady ang hitsura sa SONA

Gandang-ganda ako sa Filipiniana gown na suot kahapon ni Heart Evangelista sa SONA ni P-Noy.

Very regal at very first lady ang aura ni Heart ‘ha? Agaw-eksena ang kagandahan ni Heart na sinamahan sa Batasang Pambansa ang kanyang boyfriend na si Senator Chiz Escudero.

I’m sure, happy si Heart dahil positive ang mga feedback sa kanyang SONA outfit.

May mga nagandahan din sa yellow gown ni Kris. Hindi lang nila type ang hairdo ni Kris dahil mas bagay sa kanyang damit ang buhok na nakapusod.

 

vuukle comment

BATASANG PAMBANSA

JERIKA

KRIS

LANI

NIYA

P-NOY

PAPA JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with