^

Pang Movies

Pauleen pang-wifey na ni Vic ang mga statement

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pinabulaanan ni Pauleen Luna ang mga tsismis na nag-aaway sila ni Vic Sotto dahil sa dalawang babae na nali-link sa kanyang boyfriend.

Ang sey ni Pauleen, walang katotohanan ang mga tsismis dahil nalampasan na nila ni Bossing ang stage na nagseselos sila sa isa’t isa. Secured na secured na raw sila sa kanilang relasyon.

Parang kailan lang, no comment ang sa­got ni Pauleen noong nag-uumpisa pa lamang ang love affair nila ni Bossing at ngayon, very wifey na ang kanyang mga statement.

Tulad nina Claudine at Aga, Bossing ‘pinatay’ din!

Katsipan ang balita na kumalat sa Internet na natsugi si Bossing Vic Sotto.

Lalong nag-worry ang fans ni Bossing dahil hindi ito nag-report sa Eat Bulaga noong Biyernes.

Very much alive and kicking si Bossing ‘no! Kagagawan lang ng mga tao na walang katinuan ang tsismis na ikinalat nila.

At para sa worried fans ni Bossing, huwag basta maniwala sa mga kaduda-duda na tsismis. When in doubt, mag-tune in lamang sa Eat Bulaga dahil siguradong sila ang nakaaalam sa mga nagaganap sa buhay ni Bossing.

Hindi si Bossing ang unang artista na pinatay sa social media ng masasamang-loob. Naging biktima rin sina Claudine Barretto at Aga Muhlach.

Big time na talaga!

Damit na ginamit ni Lyca ginawa pa ng Italy-based fashion designer

Isang fashion designer na Italy-based ang gumawa ng damit na ginamit kagabi ni Lyca Gaira­nod sa The Voice Kids.

Si Lyca ang 9-year old Caviteña na pinapaboran na maging grand winner ng talent search show ng ABS-CBN.

Isa si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa mga masugid na supporter ni Lyca dahil magkababayan sila.

Si Jolo ang nagpasalamat kay Korn Taylor dahil ito ang sponsor ng gown ni Lyca para sa The Voice Kids. Si Korn ang fashion designer na gumawa ng damit ng bagets na binansagan na bagong Superstar.

Sigaw ng nakararami, good luck na lang daw Aljur

Halos dalawang milyong piso pala ang hinihingi ni Aljur Abrenica sa GMA 7 bilang damages.

Ikinaloka ng mga baklita ang latest action ni Aljur dahil nga sa kagustuhan nitong umalis sa Kapuso Network. Siya pa ang malakas ang loob na humingi ng datung para sa exemplary damages.

Good luck ang message kay Aljur ng mga tao na hindi natutuwa sa ginawa niya laban sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng malaking break noong nameless siya at the who pa ang kategorya. Nagkakaisa ang lahat sa pagsasabi na ill-advised si Aljur sa pagsasampa nito ng reklamo sa korte.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BOSSING

BOSSING VIC SOTTO

EAT BULAGA

LYCA

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with