^

Pang Movies

Luho ni Claudine kasalanan ni Raymart

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong una natawa lang kami sa para bang tutorial sa paggamit ng make-up at concealer na inilabas ng abogado ni Claudine Barretto tungkol sa pagtatago daw ng mga peklat at pasa, na hindi rin naman niya diretsong masabi kung sino ang may gawa. Pero siyempre naroroon ang parinig kung sino ang pinagbibintangan niya.

Nagkataon na may nakatago rin palang halos kaparehong pictures ang kampo ni Raymart Santiago, at ang masasabi lang ay “salamat po doctor”. Iyon pala ay nakunan noong 2010 matapos ang isang medical procedure na ginawa kay Claudine. Hindi pala dapat na isang tutorial sa paggamit ng make-up at concealer ang kanilang inilabas kung ‘di kung ano ang gagawin matapos ang isang medical procedure. Lumalabas na may retoke din pala ang mukha ni Claudine, kagaya rin ng bintang niya sa kapatid niyang si Gretchen Barretto.

Kung sabagay, iyang pagpapa-retoke ng mukha ng mga artista ngayon ay hindi na bago. Noong araw itinatago iyan at malaking issue kung ang magandang mukha nila ay sinasabing niretoke. Ngayon open na sila riyan, katunayan panay pa nga ang pasasalamat nila sa mga doctor na nagreretoke sa kanila. Babae man o lalaking artista, may ginagawa nang retoke sa kanilang mukha. Huwag na nating isa-isahin kung sino dahil kulang ang space namin, pero marami sila, kung hindi man masasabing halos lahat sila.

Ang nakakabaliw dito, bakit naman iyong bakas noong pagpapa-retoke ay gagamiting ebidensiya na siya ay battered wife? Kung tutuusin, iyong pagpaparetoke ay pagsunod sa kapritso ng babae, papaano mong masasabing inaapi siya eh pinapayagan pa nga siyang magparetoke eh.

Marami nang palpak sa usapang iyan ha. Una, iyong barilan daw sa likod-bahay na ni walang record ang pulisya at maging ang barangay. Ngayon naman iyang retoke sa mukha ni Claudine. Pero lumalabas din sa mga statement nila na ang hindi pagkakasundo ay bumabalik doon sa kagustuhan ni Raymart na hintayin ang desisyon ng husgado sa hinihinging sustento ni Claudine.

Mahirap silang intindihin. Akala namin tutorial lang sa paggamit ng concealer at make-up. Tutorial din pala sa pagpaparetoke. Sino kaya ang gumawa noon, si Belo o si Calayan?

Pagpapatawa ni Jojo tsinugi ng Kapuso

Nakahihinayang, madalas gabi na namin napapanood ang show ni Jojo Alejar sa Channel 7. Nakakatawa kasi ang mga joke ni Jojo, at nakakatulog ka pagkatapos nang mahusay-husay. Maghapon, wala nang naririnig kung ‘di puro mga anomalyang nangyayari sa paligid, pagdating ng gabi napagtatawanan ni Jojo maging ang mga anomalyang iyon.

Noong isang gabi, nang buksan namin ang TV, ibang show na ang naroroon, hindi na si Jojo A. Mukhang ibinalik nila ang isang dating show na tinanggal na nila noon. Mabuti na lang may cable ang TV namin, inilipat na lang namin sa isang cable channel kung saan ang palabas ay isang magandang documentary.

Sana makalipat ng ibang istasyon si Jojo A. Kahit na sa isang cable channel lang.

Female star pinamamanmanan pa rin ang target na poging model

Talaga palang hanggang ngayon, ayaw tigilan ng text ng isang bading na alagad ng isang controversial female star, ang isang poging model na ilusyon ng female star na iyan. Kasi talagang hindi na siya pinansin matapos na malaman ng male model ang pinagdaanan niyang love affairs. Kasi naman ang love affairs niyang controversial female star na iyan talagang malabo.

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN BARRETTO

ISANG

JOJO

JOJO A

JOJO ALEJAR

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with