^

Pang Movies

Celine international version ni Curacha concert sa ‘Pinas tuloy na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nataranta ang mga Pinoy nang malaman nila ang November concert ni Celine Dion sa Manila.

Matagal nang hinihintay si Celine ng kanyang Pinoy fans na mag-perform sa Manila kaya pinag-iipunan nila ang concert niya sa November 29.

I’m sure, libu-libo ang halaga ng presyo ng tickets para sa concert ni Celine, pero bale-wala ‘yon sa kanyang loyal and avid fans.

Hindi ko kilala ang promoter ng concert ni Celine. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa mga balak manghingi ng complimentary tickets na wala kayong aasahan sa akin.

Natsismis noon na magkakaroon ng private concert si Celine Dion sa opening ng isang hotel casino pero hindi natuloy.

Matagal nang nagbukas ang hotel na tinutukoy ko at ibang American singer ang inimbitahan ng management para mag-perform.

Bago siya pumunta sa Pilipinas, may concert muna si Celine sa Japan. Mula sa Manila, babalik si Celine sa Las Vegas dahil fully-booked na siya hanggang 2015. Ganyan ka-in demand si Celine na never nawalan ng mga raket.

Controversial celeb hindi pinapatulan ng mga kaibigan ang pinaggagawa

Masuwerte ang isang controversial celebrity dahil marami siyang mga kaibigan na reporter.

Pinahahalagahan ng mga reporter ang friendship nila sa controversial personality kaya dedma sila sa bagong eskandalo na kinasasangkutan ng huli.

Hindi ko na sasabihin ang name ng controversial personality dahil friend ko rin siya. Tama na ‘yung natuto siya ng lesson sa mga kagagahan na ginawa niya. Ang tanong, natuto nga ba siya?

Hayden friend na lang daw talaga ang turing kay Dra. Vicki

Hindi ko napanood ang guesting ni Hayden Kho, Jr. sa The Buzz noong Linggo.

May nagkuwento lang sa akin tungkol sa mga statement na pinakawalan niya sa national television.

Sana nga, gawin ni Hayden ang kanyang mga sinasabi para tuluy-tuloy na ang pagtahak niya sa daan na matuwid. Daan na matuwid daw o!

Isa lang ang ikina-bother ko sa kuwento na nakarating sa akin, ang pahayag ni Hayden na good friends na lang sila ni Dra. Vicki Belo.

Very lucky si Hayden sa pagkakaroon ng kaibigan na tulad ni Mama Vicki na hindi siya iniwan sa gitna ng laban. Wish ko lang na mahanap na ni Mama Vicki ang mhin na magmamahal sa kanya ng tapat at makakasama niya forever and ever. Karapatan ni Mama Vicki na lumigaya dahil mabuting tao siya.

Sireyna winner biglang nagkadatung

Naririto pa rin sa Pilipinas si Iris Sahhara Henson ng Nigeria, ang baklita na nag-win ng Super Sireyna Worldwide title and crown.

Halos kalahating milyong piso ang datung na napanalunan ni Iris kaya may dahilan para i-enjoy niya ang pananatili sa ating bansa.

Sosyal ang mga baklita mula sa iba’t ibang bansa na nag-join sa Super Sireyna Worldwide dahil wala silang ginastos. Sagot ng Eat Bulaga ang kanilang mga hotel accommodation at pamasahe sa eroplano. I’m sure, nakatanggap din sila ng allowance sa ilang araw na pamamalagi nila sa ating bansa.

Mabilis na kumalat ang bonggang premyo ng mga nag-win sa Super Sireyna Worldwide. Mara­ming mga baklita mula sa iba’t ibang bansa ang nagpakita ng interes na sumali sa susunod na taon sa kakaibang beauty pageant ng noontime show.

vuukle comment

CELINE

CELINE DION

DRA

EAT BULAGA

HAYDEN

HAYDEN KHO

MAMA VICKI

SUPER SIREYNA WORLDWIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with