^

Pang Movies

Asawa ng abugado ni Claudine hindi marunong magselos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nadagdagan ang kontrobersya ng pagiging battered woman ni Claudine Barretto dahil sa before and after photos na inilabas ng kanyang lawyer na si Atty. Ferdie Topacio noong Sabado.

Pinagdudahan kasi ang mga peklat at sugat ni Claudine sa hita kaya naglabas si Atty. Topacio ng mga litrato ng kanyang kliyente na pruweba na battered woman siya.

Sa mga picture na inilabas ni Atty. Topacio, may mga pasa sa mukha si Claudine na natakpan ng concealer.

Malinaw na hindi nilagyan ng concealer ang mga sugat at pasa ni Claudine sa hita sa pictorial niya noong Huwebes para ma-sight ng mga tao ang kanyang pinagdaanan at pinagdaraanan.

Ipinaubaya ni Atty. Topacio sa publiko ang paghuhusga at pag-iisip sa tao na may kagagawan sa mga pasa ni Claudine sa mukha.

Basta ang mahalaga, hindi niya nakalimutan na batiin kahapon ng happy birthday ang kanyang controversial client. Likas na sweet na tao si Atty. Topacio kaya nali-link siya sa kanyang mga kliyente.

Hindi naman affected ang misis ng abogado sa mga tsismis tungkol sa kanyang asawa at kay Claudine dahil alam niya ang kalakaran sa showbiz.

Atty. Topacio ginamit na naman ang social media

May mga reporter na nag-try na makuha ang panig ni Atty. Topacio tungkol sa bagong pasabog ng kanyang kliyente.

Sa rami siguro ng mga tumatawag, inilagay na lang ni Atty. Topacio sa kanyang social media account ang mga ebidensya na pinanghahawakan nila ni Claudine.

Siyempre, hindi nakaligtaan ni Atty. Topacio na i-mention ang guesting niya ngayon sa Face the People ng TV5 at tungkol pa rin kina Claudine at Raymart Santiago ang topic.

John at Heart gusto nang kalimutan ang nakaraan

Pitong taon na ang nakalilipas mula nang mangyari sa isang mall ang engkuwentro nina John Estrada at Jericho Rosales dahil kay Heart Evange­lista.

Naungkat uli ang insidente dahil magkasama sina Heart at John sa Trophy Wife ng Viva Films.

Marami na ang nagbago mula noong 2007. Happily-married na si Jericho kay Kim Jones, kasal na si John kay Priscilla Meirelles at matatag ang relasyon ni Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero.

Hindi iniwasan nina John at Heart ang mga tanong ng mga reporter tungkol sa kanilang past, pero base sa mga sagot ng dalawa, ayaw na nilang pag-usapan ang isang isyu na niluma na ng panahon. Mas gusto nila na tangkilikin ng mga tao ang Trophy Wife na showing sa mga sinehan sa July 30.

 

vuukle comment

ATTY

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

FACE THE PEOPLE

FERDIE TOPACIO

HEART EVANGE

KANYANG

TOPACIO

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with