^

Pang Movies

Matapos sumemplang ang prinodyus na mga pelikula Robin ipinagbibili na ang koleksiyon ng mga baril

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Parang hindi naman maganda ang tsismis na diumano, ibinebenta ni Robin Padilla ang mga baril na bahagi ng kanyang koleksiyon at ginamit niya sa kanyang mga ginawang pelikula noong araw. Hindi ganoon kadaling magbenta ng baril. Una, bakit mo nga ba ipagbibili at kanino mo naman ibebenta?

Kasi hindi naman lahat ng tao basta may pera ay puwedeng bumili ng baril. In fact, bago makabili ang isang tao ng baril, kung talagang idadaan sa legal, kumukuha muna ng “permit to purchase” mula sa PNP. Kaya hindi rin naman puwede na basta magbenta ka na lang ng baril.

Kung natatandaan ninyo, diyan nga nagkaroon ng kaso at nakulong si Robin noong araw, kasi may mga baril siya na pinaniniwalaan niyang legal dahil iyon naman ang sinabi sa kanya ng mga kaibigan niyag “nagbigay ng permiso” sa kanya na bilhin, dalhin at gamitin ang mga baril na iyon. Pero noong nagkasitahan na, nawala na ang mga iyon. Si Robin ang nakulong sa Munti ng tatlong taon.

Ang mas masama pa, mayroong kumakalat na tsismis na kaya raw niya ipinagbibili iyon, pati na ang iba niyang sasakyan ay dahil hindi na niya masyadong kaila­ngan. Wala naman siyang maraming trabaho sa ngayon, at kailangan din niya ng pera. Parang malabo naman iyon dahil imposible namang hindi nakaipon ng pera si Robin sa laki nang kinita niya noong araw.

Kung sabagay, hindi natin maikakaila na hindi maganda ang resulta ng dalawang huli niyang pelikula na siya pa mismo ang producer.

Ganyan naman talaga ang buhay ng mga artista eh. Kahit na anong sikat mo, dumarating pa rin iyong ups and downs. Maaaring sikat ka pero hindi naman lagi-laging ang istilo mo sa pelikula ang gustong mapanood ng masa.

Siguro kailangang sumubok naman si Robin ng ibang klaseng pelikula. Pero sa ngayon, kung ano ang gusto niyang ibenta sa mga gamit na sa palagay niya ay hindi na niya kailangan, nasa kanya na iyon at wala nang may pakialam.

Music summit ng OPM walang naging resulta

Ano na ang nangyari sa Original Pilipino Music (OPM)? Ilang buwan na ang nakalipas mula noong magsagawa sila ng summit, marami pa ring istasyon ng radyo na hindi naman nagpapatugtog ng OPM. Mahirap nang gawin iyan ngayon. Nagawa na iyan noong araw ng KBP, noong panahon ni Ka Doroy Valencia, at saka mismong ang KBP ang gumawa ng tulong sa music industry.

Malaki ang kaibahan noong sila ang nagkusang tumulong kaysa roon sa oobligahin mo silang tulungan ka. Ang isa pang inaasahan nila, basta may isang foreign artist na magpe-perform sa Pilipinas, magbabayad ng equity sa kanila. Teka, may batas na bang ganyan? Kasi kung walang umiiral na ganyang batas, lalabas na pangi­ngikil iyan sa mga foreign artist. Papaano kung magantihan ang mga Pinoy na nagso-show din naman sa abroad nang hindi nagbabayad ng e­quity?

Nganga sa female sexy star, sexy actor machong model na ang hinahabul-habol!

Tinigilan na raw ng isang sexy male star ang kanyang panliligaw sa isang ka-level niyang star­let na nakasama niya sa isang project. Eh papaano ngang hindi titigil ang sexy male star, eh ang hinahabol naman niya ngayon ay isang poging male model.

vuukle comment

BARIL

KA DOROY VALENCIA

KASI

NAMAN

NIYA

NOONG

ORIGINAL PILIPINO MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with