^

Pang Movies

Sen. Bong pinuri sa pagtiklop kay P-Noy

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Marami ang tumapik sa balikat ni Sen. Bong Revilla, Jr. when he chose to keep silent instead na sagutin ang mga pasaring ni President Noynoy Aquino tungkol diumano sa mga pulitikong umaasa sa kanilang anting-anting at agimat to win votes.

For him, in a talk we had with him, what matters is what he has accomplished. So far, bilang senador. Ipi­nag­mamalaki niya rin sa survey na lumalabas, pare-pa­re­hong nakakalamang sa kanilang mga kalaban ang kanyang asawang si Rep. Lani Mercado, son Jolo Revilla, at younger brother Strike Revilla.

Lani is a reelectionist for congresswoman in the sole district ng Bacoor, Cavite. Jolo is running for vice governor. Samantalang si Strike naman, incumbent mayor ng Bacoor, is running for his third and last term for the same position.

Lalong ipinagmamalaki ni Sen. Bong ang patuloy na pagtangkilik ng mga TV viewer sa kanyang series na Indio on GMA 7. As in every project he does, mapa-pelikula o mapa-TV, he makes sure he has something new to offer.

More difficult, halimbawa, ang stunts na ginagawa niya sa series. At sa mga dramatic scene naman, hindi puwedeng ’di mabagabag ang damdamin ng manonood sa mga eksenang madrama ng tele­serye.

Likewise, proud siya sa mga co-star niya sa Indio. Wala raw paistaran among them. Maging ang bidang babae ng series, si Jennylyn Mercado na nakasama na niya dahil sa isang movie, ay walang angal kahit pa sa mga nakakikilig nilang eksenang dalawa.

Saludo raw siya sa pagiging kontrabida ni Michael de Mesa. Bilang si Juancho San Real, hate na hate siya ng mga sumusubaybay sa series.

But that’s the role assigned to him kaya nga, sabi ni Michael, wala siyang magawa kung hindi siguraduhing panlaban din ang acting niya sa bidang si Bong.

Coco at Angeline magkasabay na tinatapos ang dream house

Magkasabay halos na nagpapagawa ng kani-kanilang dream house sina Coco Martin at Angeline Quinto. Kaya nga, claim ng dalawa, they have to double their effort para matustusan nila ang lahat ng pa­nga­ngailangan sa ipinagagawa nilang bahay.

It is good that both are busy. Si Coco, bukod sa pelikula niyang A Moment In Time which opened in theaters nationwide today, ay may kasalukuyang Juan dela Cruz TV series.

Ganun din si Angeline. Na bukod sa concert na pangungunahan niya ngayong gabi is busy din with a series, ang Kahit Konting Pagtingin.

Handog daw ni Coco sa kanyang Lola Matilde, na siyang nagpalaki sa kanya, ang bahay na kanyang ipinagagawa. Ayon kay Angeline, sa kanyang adopted mother naman niya iaalay ang tahanang kanyang ipinagagawa.

Nagkasama na sa isang pelikula itong sina Coco at Angeline, sa Born to Love You, na pareho nilang first mainstream film.

Sunshine naghahanap na ng ibang bahay, Cesar dedma na

Anytime soon, according to Sunshine Cruz, iiwa­nan na niya at ang kanilang mga anak ni Cesar Montano ang kanilang plush residence na ipinatayo ni Cesar sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Tinitiyak nga lamang niyang may malilipatan na sila, hopefully near ABS-CBN, bago sila tuluyang umalis.

Magkasama man daw sila ni Cesar sa bahay ay ’di na sila nag-uusap. O kaya ay nagkikibuan. Yes, dedma na talaga sila sa isa’t isa.

Kasalukuyan na raw na nag-uusap ang kani-kanilang abo­ga­do tungkol sa sustento ng mga bata. As for her, no need to worry daw, as she is set to do an assignment sa ABS-CBN.

Selos, as we all know, ang pinag-ugatan ng hiwalayang ito nina Cesar at Sunshine. Selos sa isang starlet na diumano’y nag­nga­ngalang Krista Miller, na kasama sa pelikulang Alfredo S. Lim, the Untold Story, which Cesar wrote, directed, and produced.

vuukle comment

A MOMENT IN TIME

ALFREDO S

ANGELINE QUINTO

BACOOR

BONG REVILLA

CESAR MONTANO

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with