^

Pang Movies

Umaarte-arte pa... Celebrity na hiwalay sa asawa nagagalit pag nababalitang may bagong karelasyon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bakit kaya nagdi-deny at nagagalit pa ang isang celebrity na separated na from her husband, kapag nasusulat na mayroon na siyang boyfriend at kadarating lamang nila sa abroad for the Holidays? Totoo naman palang may boyfriend siya at lagi siyang kasama nito o siya ang pumupunta kung nasaan ang guy, kung may night out ito with his friends, na ang iba ay mga politicians. Nagtataka nga ang mga nakakakilala sa kanya dahil sinasabi niyang wala siyang work, pero kaya niyang magpa-press conference kapag may gusto siyang liwanagin sa mga issues na ikinakabit sa kanya.

Derek parati nang nakabuntot kay Nadine

Totohanan na kaya na si Nadine Samonte ang very special girl ngayon for Derek Ramsay?  Although hindi sila ang magkatambal sa fantaserye ng TV5 na Kidlat kundi si Ritz Azul ang leading lady ni Derek, mukhang ang special attention niya ay na kay Nadine. Nagulat nga ang mga nakakita nang minsang guest si Nadine sa isang event sa Resorts World, biglang dumating si Derek at sinundo siya, ipinakilala pa ni Nadine si Derek sa family niya. Last Sunday, magkasama silang nag-promote ng Kidlat sa Sinulog sa Cebu na nagtiis talaga si Derek na naka-costume sa gitna ng init ng araw habang nagpa-parade sila. At last Tuesday, nagulat na naman ang mga press na nasa press visit ng ibinabalik na Game ‘N Go ng TV5 na special guests nina Edu Manzano at Joey de Leon si Nadine, nang paglabas nila ng studio, nandoon na naman si Derek at sinusundo si Nadine. Biro tuloy sa kanila, mukhang hindi na sila naghihiwalay, halos araw-araw magkasama sa taping ng Kidlat under Mike Tuviera, at kung wala namang taping, magkasama pa rin sila. Sa Sunday, magkasama muli sila sa pagpu-promote ng fantaserye sa Dinagyang Festival sa Ilo­ilo City. Naku, paano ba iyan Ritz, crush mo pa naman si Derek?

Sarap Diva may sahog na tsimisan

Kaaliw manood ng Sarap Diva ni Regine Velasquez-Alcasid every Saturday morning, dahil bukod sa masasarap na pagkaing itinuturo niya at ng mga guests, nakakakuha pa ng magagandang tsika. Last Saturday, guests ni Regine ang mag-anak na Atom Henares, ang former wife niyang si Dr. Vicki Belo at anak nilang si Cristalle. Nagtanong si Regine kung wala raw bang chance na sina Atom at Dr. Vicki pa rin sa huli?

Sinabi na pala iyon ni Dr. Vicki kay   Atom, na kapag 70 years old na sila at wala pa silang ibang asawa, sila na lamang ulit, pero nagalit daw ang girlfriend ni    Atom. Iyon din pala ang gusto nina Cristalle at kuya Quark niya pero pinagtatalunan na raw nila ngayon pa lamang kung kanino pipisan sa kanila sina Atom at Dr. Vicki sakaling magkabalikan nga.

 

vuukle comment

ATOM HENARES

CRISTALLE

DEREK

DEREK RAMSAY

DINAGYANG FESTIVAL

DR. VICKI

KIDLAT

NADINE

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with