^

Pang Movies

Direk Lino mahal pa rin si Liz!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Magpapasalamat muna kami sa ating readers ng PM (Pang-Masa) dahil ngayong araw na ito ay 10th anniversary na ng ating pahayagan. Congratulations sa lahat ng bumubuo ng PM!

Labis ang paghanga ni Direk Lino Cayetano kay Pangulong Noynoy Aquino sa pananaw nito sa pamumuno sa Pilipinas kaya from being one of the best directors of ABS-CBN, isinabay na rin niya ang paglilingkod sa kapwa residente bilang barangay chairman sa Fort Bonifacio, isa sa 28 barangays ng Taguig City. 

Pansamantala siyang huminto sa pagdidirek ng teleseryeng Aryana at ini-announce na niya ang pagkandidato bilang congressman sa District 2 ng Taguig City sa coming May 2013 elections.

Pagdating sa love life, one year and a half nang walang girlfriend si Direk Lino, mukhang idolo rin niya si P-Noy dahil binata pa rin siya kahit pa nagkaroon na siya ng girlfriends, ang mga kilala at magagandang dilag na sina KC Concepcion, Bianca Gonzales, Malaysian actress Carmen Soo, at ang stylist na si Liz Uy na inamin niyang hanggang ngayon ay mahal pa rin niya at last girlfriend na ipinakilala niya sa kanyang family. 

Hihingin ba niya ang tulong nila sa kanyang pagkampanya simula sa March? At bakit may issue sa kanila ni Kris Aquino?

“Sina KC at Bianca tinutulungan nila ang Taguig pero hindi na sila dumidiretso sa akin kaya nagpapasalamat ako sa kanila.

“Si Pokwang, nang malaman niyang kakandidato ako, tutulong daw siya at since birthday ko noong January 4, pinasaya niya ang mga residente namin sa isang show. 

 â€œAs to Ate Kris (Aquino), sa kanyang Kris TV ko unang ipinaalam ang pagkandidato ko. Tulong niya sa akin dahil nalaman niyang kapag may mga pelikula siyang ipinalalabas ay nagri-rent ako ng sinehan. Dinadala ko ang mga residente at pinapapanood ko sila. Bale iyon na ang Christmas treat ko sa kanila. Nagsimula ito sa Dalaw last year sa Segunda Mano at this year sa Sisterakas,” sagot ni Direk Lino.

Medyo naging emotional ang direktor nang mabanggit na tiyak na natutuwa ang ama niyang si dating Sen. Rene Cayetano na sumunod siya sa yapak nito.

“I’m thirty five years old and I’m so blessed dahil alam kong nagugustuhan niya ang mga ginagawa ko. Hindi lamang sa showbiz kundi ngayon na tuluyan ko nang pinasok ang politics. Pawis at dugo naman ang ibinigay ko simula nang kunin ako ng GMA Network na noon ay naghahanap ng direktor ng original StarStruck, nasundan pa ito ang StarStruck Kids at StarStruck Playhouse bago ako lumipat sa ABS-CBN.

“Kung mananalo ako my heart and my soul ay nasa entertainment industry pa rin and I will be the same person and director who listens to his people,” sabi ni Direk Lino.

vuukle comment

ATE KRIS

BIANCA GONZALES

CARMEN SOO

DIREK LINO

DIREK LINO CAYETANO

FORT BONIFACIO

NIYA

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with