PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

NCAA at iba pang liga tutulong din

MANILA, Philippines - Sa pagsisikap na makatulong din sa mga naging biktima ng Bagyong Ondoy, hindi lamang sariling fund-raising drvie ang gagawin ng Natiobal Collegiate Athletic Association kundi magdaraos din sila ng isang araw na charity game na lalahukan ng ilang basketball league sa bansa.

Sinabi ni League president Fr. Mat de Jesus, OSB, at Management Committee chair Jose Mari Lacson ng Season 85 host San Beda na kapwa nagdesisyon ang Policy Board at MANCOM na ire-schedule ang laro kahapon at imbes ay gawin na sa Biyernes upang maituon ang pansin sa proyektong ito.

 “The NCAA joins the nation in the recovery of the damages caused by Tropical Storm “Ondoy,” pahayag ng liga. .

“The league, with the Policy Board leadership together with the Management Committee, reschedules the games of the second round to allow member schools to participate in joining relief efforts for the victims of ‘Ondoy.’ Games will resume on Oct. 2,” dagdag pa niya.

Ang nakanselang laro ay sa pagitan ng Mapua at Angeles U Foundation at reigning three-peat champion San Beda vs Letran sa The Arena sa San Juan City.

Ang pagkansela, na ikalawa ngayong linggo, ay ginawa upang mapagtuunan ang sariling fund drive at charity basketball game na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Lunes sa Araneta coliseum kung saan ang mga players mula sa NCAA, Smart Gilas Pilipinas, Philippine Basketball Association, Philippine Basketball League at UAAP ang sasabak sa aksiyon.

Inaanyayahan din ng liga ang lahat ng fans at alumni na manood ng one-day affair.

 “The NCAA rejoins the fans and alumni to support this endeavour by watching the Araneta Coliseum game and by bringing used rubber shoes, sneakers or slippers,” ani Lacson.

Ayon kay Lacson maglalagay sila ng donation boxes sa the Arena sa Biyernes at tatanggap ng donasyon na kanilang mada-dala sa Big Dome. (SNF)

  • Follow Us: