^

PSN Showbiz

Ronnie, Michael at Sanya, may pasabog sa Zirkoh!

Pilipino Star Ngayon

May malaking pasabog sa Zirkoh, Tomas Morato sa March 16, Thursday, 9:00 p.m. dahil live na mapapanood ang Kilig King na si Ronnie Alonte, ang bagong Pantasya ng Bayan na si Sanya Lopez at ang bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan. 

Kaabang-abang dahil opening pa lang ay masa-shock na kayo. Ito ang pagmamalaki ng producer-director ng Luv Me Tonight na si Enrico M. Gonzales na mas kilala sa showbiz bilang si Jeffrey Gonzales. Siya ay dating member ng That’s Entertainment na pinasok na rin ang pagpo-produce ng mga concert sa Kamaynilaan.

 “Hindi kayo mabo-bore. Dahil may drama talaga ito,” deklara ni Jeffrey.

Pero teka, sino nga ba ang makaka-date ni Ronnie sa Zirkoh show? Si Julia Barretto o si Sue Ramirez? Sino kaya ang manonood o susuporta sa dalawa? Inaabangan din kung darating ang girlfriend ni Michael na si Garie Concepcion  at susuporta si Rocco Nacino para naman sa katambal niya sa Encantadia na si Sanya.

May bagong ipapakita ba si Ronnie sa Luv Me Tonight?

“Oo, meron. Basta makipag-cooperate lang si Ronnie. Kasi siya ‘yung last na lalabas sa concert. Kung mag-materialize lahat, mas okey, mas magiging maganda,” pakli  ni Jeff.

Kumpletos rekados ang Luv Me Tonight dahil  nandiyan din ang sexy group na Les Allure na binu­buo nina Sara Polverini, Lana  Roi, at Khai. Nandyan din si Kate Lapuz ng Trops ng GMA-7.

Patatawanin naman tayo ni Jelly Joyce na halimaw sa entablado. Nandiyan din sina Zyruz Imperial, Birit King na si Le­muel ­Santos with LS Band, Natsumi Saito, Ryan Tamondong, Pauline Cueto, Josh Yape, Rain Gibbz, at BzLegz.

 “Siguradong hindi nila makakalimutan. Pasabog ‘yan, eh. ‘Pag pinanood nila, siguradong mata­tandaan nila, talagang may direksyon,” pagmamalaki pa ni Jeffrey Gonzales.

Prodyus ito ng Jeffrey G Entertainment Productions, sa tulong ng Zirkoh at RFC Entertainment. 

Para sa de­talye, tawag lang sa 0905-3595091, 0956-8573532. (Roldan F Castro)

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with