^

Probinsiya

2 suspek sa Davao bombing, arestado

POSTSCRIPT - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang suspect sa madugong pambobomba sa night market sa Davao City noong Setyembre 2, 2016 ang nasakote sa follow-up operation sa San Pedro Street sa nasabing lungsod noong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat na isinumite kahapon ni P/Senior Supt. Edilberto Leonardo, hepe ng Regional Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG), kinilala ang mga suspek na sina Zack Haron Lopez na gumagamit ng alyas Herwin Madrona; at Jessy Vincent Original.

Ayon sa opisyal, ang mga suspek ay kapwa wanted sa kasong terorismo na inisyu ni Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54.

Una nang nagpalabas ng P3 milyong pabuya si Davao City Mayor Inday Sara Carpio Duterte at ang grupo ng mga negosyante para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng mga suspek.

Magugunita na  una nang nasakote ng militar at pulisya ang walong suspek na sangkot sa pambobomba sa Davao City sa serye ng operasyon sa Central Min­danao noong huling bahagi ng 2016.

vuukle comment

NIGHT MARKET SA DAVAO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with