^

Bansa

Taxi driver na nag-overcharge, himas-rehas

AS A MATTER OF FACT - Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Himas rehas ang isäng abusadong taxi driver na nag- overcharging sa isang OFW mula Middle East .

Ito ay makaraang kasuhan ng estafa ng  biktimang nagpakilala lamang sa pangalang alyas Rolly  ng Davao City, seaman,  ang driver ng taxi na si Ivan Incirto, airport taxi driver  sa   Terminal 3  Naia  kasama si Atty. Ariel Inton ng  Lawyers for Commuters  Safety and Protection sa Mobile Patrol Security Unit   (MPSU) na pinangunahan ni Police Senior Inspector Marcelino Peninoy.

Ang akusado ay nananatiling nakakulong sa MPSU.

Sa reklamo ng biktima, January 8, 2017 nang  umuwi siya ng Pilipinas galing sa Middle East ay sumakay sa isang white taxi sa terminal 3 NAIA na may plate number ABX 5137.

Nagpahatid ang complainant sa Bicutan pero nag-presyo ang taxi driver ng P1,500. Tumanggi ang pasahero at iginiit na gamitin na lang nila ang metro dahil sa “metered taxi lane” naman sya pumila kaya ayaw nitong pumayag sa sobrang taas na presyo na kino-kontrata ng taxi driver.

Dahil nagmatigas at ayaw pumayag ng pasahero sa presyo ay pinababa siya ng driver sa may labas ng NAIA terminal 3.  Bunga nito, naglakad ang pasahero bitbit ang kanyang mga bagahe at tumuloy sa pinakamalapit na police outpost sa MPSU.

Agad namang nagsagawa ng follow up operations ang mga tauhan ni Peninoy kaya agad  nahuli ang taxi driver.

Kaugnay nito, sinabi ni Inton na ang nangyari ay dapat magsilbing babala sa mga pasaway na taxi drivers na nagsasamantala sa mga pasahero lalo ang mga OFWs.

Hinikayat din aniya ang iba pang nabibiktima ng overcharging at iba pang reklamo laban sa mga driver na huwag matakot na magsumbong sa mga awtoridad para maparusahan ng batas.

vuukle comment

TAXI DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with