^

Bansa

Obrero niratrat sa harap ng pamilya

COMMONSENSE - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay sa harap ng kanyang pamilya ang isang obrero ng dalawa  sa apat na lalaki na sakay ng mga motorsiklo nang pasukin ang bahay nito, Linggo ng gabi sa Valenzuela City.

Isinugod pa sa Valenzuela City Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Tito Siervo, 32, at residente ng Block 17, Lot 2, Northville 2A, Brgy. Canumay West, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, nagpapahinga na ang biktima sa loob ng kanyang bahay dakong alas-9 ng gabi nang puwersahang pumasok ang dalawang armadong lalaki at pinagbabaril si Siervo.  Mabilis na tumakas ang dalawang salarin nang sumakay sa dalawang motorsiklo na minamaneho ng dalawa pang kasabwat.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 sa lugar ng krimen ngunit bigo na maaresto ang mga salarin.  Inilarawan ang mga suspek na nakasuot ng helmet, face masks, jacket, short pants at sakay ng dalawang Yamaha Mio scooter.

Blangko pa naman ang pulisya sa motibo sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

OBRERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with