^

PSN Palaro

Archers namuro para sa ‘twice-to-beat’ sa F4

COMMONSENSE - Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Archers namuro para sa �twice-to-beat� sa F4
Nagpang-abot sa ere sina Ben Mbala ng La Salle at Alfred Aroga ng NU.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Pinaamo ng De La Salle University ang National University, 113-88, upang manatiling malinis ang rekord sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Pinana ng Green Archers ang ika-10 panalo kung saan isang panalo na lamang ang kinakailangan nito para mahablot ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Higit pa rito, nakalapit ang La Salle sa inaasam na sweep na siyang magbibigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa finals.

Walang kapaguran si Cameroonian Ben Mbala na muling umariba ng double-double na 29 puntos at 14 rebounds kasama pa ang 2 blocks, habang solidong suporta ang ibinigay ni Aljun Melecio na tumipa ng career-high na 18 points para sa La Salle.

“Hinayaan lang kami ni coach sa mga gusto na­ming gawin. Pinalaro niya lang kami and we’re happy na maganda ang naging resulta,” wika ni Melecio.

Hataw din si Jeron Teng ng 13 gayundin sina Tho­mas Torres na may 12.

Lumasap ng ikatlong su­nod na pagkatalo ang Bull­­dogs at tuluyang na­lag­lag sa 4-6.

Nakalikom si Jess Di­putado ng 23 puntos para sa NU.

Dinomina ng La Salle ang shaded area hatak ang 51 rebounds laban sa 24 ng NU.

Ang produksyon ng La Salle ang pinakamataas na iskor ng isang kopo­nan sapul noong 2006 nang ta­lunin ng Ateneo ang UST, 114-78.

Sa unang laro, dinagit ng Ateneo de Manila University ang University of the East sa bisa ng 75-61 desis­yon.

Naglista si rookie point guard Jolo Mendoza ng career-high na 15 points at nagdagdag si Thirdy Ra­vena ng 14 markers para sa 5-4 marka ng Blue Eagles.

“Good thing a couple of our bench guys stepped up this time both on offense and defense,” ani Ateneo assistant coach Sandy Ares­pacochaga.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with