^

PSN Showbiz

Jake magpapakasama para kina Kim at Gerald

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Lunes ay magsisimula na sa Prime Tanghali block ng Kapamilya network ang teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Coleen Garcia, at Jake Cuenca. Para kay Jake ay isang malaking karangalan ang muling makasama sa proyekto sina Kim at Gerald dahil ang dalawa rin ang nakasama ng aktor nang magsimula sa ABS-CBN.

“’Yung first teleserye ko sa ABS-CBN, kasama sina Kim at Gerald. Tapos ginawa namin ‘yung Tayong Dalawa na naging malaking bagay sa career naming tatlo. Tapos Ikaw Lamang, nagsama kami ni Kim. For me, every time nakakatrabaho ko sila, laging may milestones sa career namin. Sabi ko nga, kapag pinapili ako ng show sa primetime or a show na kasama ang Kimerald, hindi ko pag-iisipan ‘yon. Gusto ko sila makatrabaho,” paliwanag ni Jake.

Hindi rin isyu sa aktor kung nalilinya siya sa pagiging kontrabida sa mga proyektong ginagawa. “As long as I get reactions from my audience, then I am happy. Kasi mas maganda to do a performance like that kaysa you do a performance na hindi napansin ng kahit sino,” giit ng aktor.

YASSI NAHIHIRAPAN ‘PAG MAY NAPAPATAY SA PROBINSYANO

Noong isang linggo ay nakumpirmang aabutin pa ng 2018 ang teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Si Yassi Pressman ang katambal ng aktor sa serye kaya naman masayang-masaya ang aktres sa nabalitaan.

“Overwhelming po at sobrang napakalaking blessing talaga kaya gusto namin na magpasalamat po sa lahat ng mga nagtiwala sa amin at sumusuporta sa amin gabi-gabi,” nakangiting bungad ni Yassi.

Nagpapasalamat din ang dalaga dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kasamahan sa proyekto. “Matagal na po, 10 to 11 months na po ako sa Ang Probinsyano. Sobrang close na po ako sa pamilya at buong cast. Nakakatuwa po kasi kung paano ‘yung treatment nila sa ibang tao, gano’n din po sa akin. Pantay-pantay po ang trato sa lahat ‘pag dinner at lunch sabay-sabay. And we’re lucky kasi kahit na araw-araw kami magkakasama, marami pa rin kami napapagkwentuhan,” pagbabahagi ni Yassi.

Nalulungkot daw ang aktres sa tuwing may natatanggal na karakter sa istorya ng kanilang serye. “Sobrang mahirap po, lalo na po ‘yung Cebu episode namin, sunod-sunod ‘yung mga nabaril na character sa malaking scene. Kaya parang mahirap ‘yon na hindi na namin sila makakasama. Kasi solid talaga ang tulungan, parang magkakapatid na kami sa lahat ng bagay, kahit sobrang dramatic ng mga nangyayari, nagtatawanan pa rin kami,” pagdedetalye pa niya.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with