^

PSN Showbiz

Marlon at Pia nagkaayos na?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Siguradong hindi ipinaalam ni Marlon Stockinger ang pagkakaroon niya ng anak na kambal kung kaya nagalit pa si Miss Universe Pia Wurtzbach nang mabatid ito. Buti na lang at bago pa umere ang pag-amin ng sikat na car racer ng kanyang intensyon na maging GF si Pia ay bati na silang muli. Kung hindi, sira ang programa ni Vice Ganda. Wala naman sanang problema dahil wala namang asawa si Marlon at marami namang single fathers diyan. Kasalanan lang niya ay kung hindi niya ito ipinaalam sa kanyang nililigawan.

Sunshine napagtapos ang sarili sa kolehiyo

Hindi lamang ang pagmu-move on sa kanyang failed marriage ang matagumpay na nairaos ni Sunshine Cruz, nagawa rin niyang mabalikan ang kanyang pag-aartista. Kahit paisa-isa, pero magkakasunod naman, ay may natatanggap siyang proyekto na pinagkukunan nila ng tatlo niyang mga anak ng kabuhayan. Hindi lamang niya mabilis na nagamot ang sugat ng kanyang puso sa pamamagitan ng pagiging abala sa trabaho, nagawa rin niyang maitaguyod ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo para makatapos ng kursong Psychology. Naka-graduate siya sa Arellano University sa ilalim ng ETEEAP program nito. At tila walang paghinto ang pagdating ng swerte sa kanya. Naipagpapatuloy niya ang pagpapaaral sa kanyang mga anak at nakatagpo siya ng isang bagong glorya sa piling ni Macky Mathay.

Meron pa bang mahihiling ang aktres bukod sa pagpapatuloy ng maganda nilang samahan ni Macky?

Angeline nasapawan ni Jona!

Sayang kung totoo ang balitang aalog-alog ang venue na pinaglabasan ng konsyerto ng Birit Queens na sina Angeline Quinto, Morisette Amon, Jona, at Klarisse de Guzman. Gustung-gusto ko pa sanang manood pero lubhang napakamahal ng tiket at malayo ang lugar sa aking tinitirhan. Ayaw ko namang sumubok sa general admission. Kung dito lang ako mapupunta, panonoorin ko na lang sila ng libre sa ASAP. At the last moment napag-isip-isip ko na ilalaan ko na lamang ang pera ko sa pagtulong sa isang mahal sa buhay na may cancer.

Hindi naman ako nagtaka na hindi nasapawan si Jona ng tatlong kasamahan niya sa concert. Ang layo na ng iginanda ng boses ng dating Kapuso. Nagsimula lamang siyang magpamalas ng kagali­ngan nang makasama sina Aicelle Santos at Maricris Garcia sa La Diva. Sayang at hindi napigilan ang pagkabuwag ng grupo nilang maituturing na isa sa pinakamagaling na trio sa bansa. Kukunin ba siya sa ASAP kung hindi siya magaling? Nagsimula siyang pangatlo o pang-apat sa pinakamagaling sa Birit Queens. Pero ngayon ay kumakasa na siya maging sa itinuturing na pinakasikat at pinakama­galing sa grupo na si Angeline Quinto. Hihirit kayo? 

vuukle comment

MARLON AT PIA NAGKAAYOS NA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with