^

PSN Showbiz

Anak ni Erap hindi raw na-bother sa sex video ni Bernard!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kahit pinagbakasyon sa kanyang radio program at kinasuhan pa ng matalik na kaibigan, hindi nagmukmok si Jobert Sucaldito kundi inabala ang sarili sa pagtulong sa project ng kaibigang si Dr. Joseph Pallera na producer ng Mister Philippines 2017.

Pina-presscon ni Jobert ang 24 official candidates ng Mister Philippines 2017 nung nakaraang Biyernes ng hapon sa Musix Box, Timog.

Ang daming fresh faces at may potential na kasali na puwedeng mag-artista pero halos lahat sa kanila ay nag-aaral at may ambisyong ipagpatuloy ang propesyong pinasok. Karamihan sa kanila ay sumali sa Mister Philippines para ma-promote ang kanilang lalawigan, at ang iba naman ay ang kanilang negosyong sinimulan.

Sa April 7 na ang grand finals ng Mister Philippines 2017 na gaganapin sa Systems Plus College Foundation sa Balibago, Angeles City.

PAK: Muling nagbangayan sa social media ang magulang ni Ellie na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann, pagkatapos mag-file ni Jake ng equal child custody at visitation rights sa kanilang anak.

Ang kapatid naman ni Jake na si Jerika Ejercito ay cool lang at deretsahang sinabing hindi pa sila okay ni Bernard Palanca.

Hindi naman daw siya na-bother sa ku­malat na sex video ni Bernard, pero siyempre ang concern lang naman niya ay ang kanilang anak. “As a mother, since may anak kami. I’m very concerned for my child. Luckily, my son is only three years old, hindi pa siya aware, may lead time pa akong mag-isip na kung ano ang ma-explain ko sa kanya pagdating ng panahon na tanungin niya ako regarding that,” pahayag ni Jerika sa event ng project nila sa Maynila na Ilaw ng Tahanan.

Wala raw silang komunikasyon sa ngayon pero open daw siya sa posibilidad na maging magkaibigan alang-alang sa kanilang anak. “Anything is possible eh.

“Mahirap magsalita nang tapos. In an ideal world, sana maging magkaibigan kami for the sake of our son, pero hindi ko pa siya nakikita in the near future,” pakli ni Jerika.

BOOM: Gustong mag-aklas ng fans ni Angel Locsin dahil siya pa rin daw ang karapat-dapat na gumanap na Darna.

Pero in-announce na nga ng ABS-CBN 2 na hindi na siya ang gaganap dahil sa karamdaman nito sa kanyang likod. Kaya  ano itong nasagap naming kuwentong may iba pang dahilan kung bakit hindi na nga siya ang magda-Darna?

Nakakapagtaka lang kasi na kailangan pang maglabas ng official statement ang ABS-CBN 2 at Star Cinema gayung wala naman silang official announcement na si Angel ang gaganap na Pinay heroine. Pawang haka-haka lang naman ang nag­litawan na hindi naman nila ito nakumpirma.

Una, naglabas muna sila ng statement na itutuloy na ang Darna, at kung sino ang gaganap, bago nila unahin ‘yung hindi na pagganap ni Angel.

Ano ang pinanggalingan ng nasabing announcement? Ano ang hugot nito? Totoo bang may iba talagang dahilan kung bakit isinara na nila ang posibilidad na hindi na si Angel ang gaganap ng Pinay superhero?

vuukle comment

ANAK NI ERAP HINDI RAW NA-BOTHER SA SEX VIDEO NI BERNARD!

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with