US warship dumaong sa Subic Bay
MANILA, Philippines - Dumaong ang Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Fitzgerald (DDG 62), isa sa mga warship ng Estados Unidos sa Subic Bay, Zambales para sa port call visit bilang bahagi ng maigting na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
“The United States and Philippines continue to build upon their 70-year history of partnership through defense cooperation, port visits, and military training activities,” ayon sa press statement ng US Embassy.
Ayon sa US Embassy, sasailalim rin sa ‘minor repairs’ ang USS Fitzgerald sa tulong ng mga kumpanya sa Pilipinas habang nasa Subic Bay ito.
Inihayag pa ng US Embassy na mananatili ang kanilang pagkilala sa matibay na alyansa ng US at Pilipinas na nagtutulungan partikular na sa humanitarian assistance and disaster relief sa panahon ng kalamidad, counter terrorism, cyber security at maritime security.
Inaasahan namang marami pang naval warship ng Estados Unidos ang darating sa bansa kaugnay ng itinakdang taunang Phl-US Balikatan joint military exercises sa pagitan ng tropa ng Armed Forces of the Philippines at ng mga Amerikano na itinakda sa pagitan ng Abril at Mayo ngayong taon.
- Latest