^

Bansa

Mga opisyal babalasahin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakatakdang magsagawa ng pagbalasa sa mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Adminis­tration (POEA) kaugnay sa isyu ng pangongotong.

Ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III, ang planong ito ay haharapin niya  sa oras na makabalik siya mula sa ikaapat na round ng peace talks.

Nasa kaniya na umano ang mga pangalan ng POEA officials na inakusahang nangongotong bagamat hindi naman tinukoy kung sinu-sino.

Nangako din si Bello na paiimbestigahan niya ang grupo ng mga isinasangkot sa nasabing anomalya.

Kabilang sa impormasyong nakarating kay Bello na ilang opisyal umano ng POEA ang nanghihingi ng pera para sa pabor na maisyuhan ng overseas certificates of employment (OEC) ang mga manggagawa, kahit hindi kuwalipikado.

“Kahit hindi ka qualified, nagbigay ka ng amount, ilalagay nila ang pangalan mo doon kahit alam nila madi-disqualify ka dahil you do not fall under the exemptions when you are allowed direct hiring,” anang kalihim.

vuukle comment

SILVESTRO BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with