^

Probinsiya

Kagawad, sikyu pisak sa trak

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines - Patay ang isang barangay kagawad at security guard makaraang salpukin  ng Elf truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Makilala, North Cotabato noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang dalawa na sina Paquito Egualan Sarmiento, 58, security guard; at Kagawad Crispin Mier Famulagan, 61, ng Barangay Sto. Niño sa nasabing bayan. Ayon sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungong Kidapawan City nang salpukin ng trak (RJC964) ni Berlyn Jose Quibol, 38, ng Barangay Buhangin, Davao City. Naganap ang sakuna sa harap ng Rock Valley Christian College kung saan nawalan ng preno ang trak kaya nasalpok ang likuran ng motorsiklo ng mga biktima. Sa lakas ng impact ay tumilapon ang dalawa saka nadaganan naman ng sumusunod na truck.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with