^

PSN Showbiz

Jessy idinispley ang halikan nila ni Luis

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Kilig to the bones as in nilanggam ang followers ni Jessy Mendiola sa six photos nila ni Luis Manzano na posted sa kanyang Instagram account yesterday. Sweet-sweet-an kasi sila, magkayakap at may kissing pa. Comment tuloy ng ilang followers, parang prenup pictorial dahil nga naka-gown si Jessy at naka-coat and tie si Luis though parang nag-attend lang sila ng wedding.

“The goal is to laugh forever with someone you take seriously. Thank you for always making me laugh, my love,” ang caption ni Jessy ng pasasalamat sa karelasyon.

Ngayon  lang sobrang open sina Jessy at Luis sa kanilang relasyon. Maging si Rep. Vilma Santos ay pabor na pabor sa relasyon ng dalawa kaya walang rason para nga naman hindi mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon bagama’t nauna nang sinabi ni Luis na hindi sila nagmamadali.

Fans ni Sarah umaapela ng solo concert

Sobrang ginalingan ni Sarah Geronimo sa ASAP kahapon.

Napabilib na naman ang lahat sa kanyang opening number, duet with Yeng Constantino at ang Beauty and the Beast number nila ni Jayson Dy. Actually, parang siya na talaga ang nagdadala ng ASAP tuwing andun siya.

Sa opening number ay napasayaw lahat ng audience. At sa duet nila ni Yeng, naaliw ang lahat. Pinakabongga ang Beauty and the Beast kung saan bonggang-bongga pati suot niyang yellow gown.

Kaya nga medyo inip na ang fans. Sana raw ay magkaroon na lang ng birthday concert ang Popstar Royalty sa July at ‘wag nang paabutin sa November.

Nauna nang nabanggit ni Mr. Vic del Rosario na sa November pa ang sked ng concert ni Sarah with Gary Valenciano na by the way ay pino-protesta ng ibang fans. Sana raw ay solo na lang ng kanilang idolo.

Noven hindi makapaniwala sa panalo

“Hindi ako makapaniwala. Nabago po talaga ang buhay ko dahil sa Tawag ng Tanghalan. Thank you so much sa Showtime family, pamilya ko, kay Lord. ‘Di po ako makapaniwala na sa libu-libong nag-audition, ako po ang nanguna. Ang bait po talaga ng Diyos,” pahayag ng magsasakang si Noven Belleza matapos ang kanyang pagkapanalo laban sa limang grand finalists sa inabangang huling tapatan ng kumpetisyon noong Sabado (Marso 11) sa Resorts World Manila.

Inawit niya ang May Bukas Pa sa unang round ng finals upang makapasok sa final three. Pinabilib at pinatayo naman niya ang audience sa second round matapos ang performance niya ng medley ng Air Supply songs na The One That You Love, Now and Forever, at Without You  na nakatanggap ng stan­ding ovation sa mga hurado.

Ang 22-anyos na Bukid Boy Wonder ng Negros Occidental ang nakakuha ng pinakamataas na average score na 99.96% mula sa pinagsamang hurado scores at madlang people votes, at tinalo ang final three contenders na sina Sam Mangubat (49.09%) at Froilan Canlas (45.78%).

Bilang kauna-unahang grand champion ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, wagi si Noven ng P2 milyon, house and lot mula sa Camella, recording contract sa Star Music, musical instruments package mula sa JB Music, negosyo package, at family vacation package.

Hindi naman umuwing luhaan sina Sam at Froilan na nagwagi ng P500,000 at P250,000. Nag-uwi rin ng tig-P100,000 ang iba pang kasama sa Top 6 finalists na sina Pauline Agupitan, Carlmalone Montecido, at Marielle Montellano.

Nakasama naman ng mga huradong sina Rey Valera, Ogie Alcasid, Karla Estrada, K Brosas, Mitoy, Erik Santos, Rico J. Puno, Billy Crawford, Karylle, Louie Ocampo, Nyoy Volante, Jaya, at Yeng Constantino kasama ang da­ting  TNT winners na sina Boy Leonardo, Arnaldo Agarin, at Esterlita Liñan.

In fairness, pinag-usapan ang pagkakapanalo ni Noven at ang paglalaban-laban ng anim na grand finalists online kaya naman nanguna ito sa trending topics sa Twitter worldwide ang hashtag na #TnTAngHulingTapatan.

Unang ipinalabas noong 1950s ang TNT kung saan ipinakita ang singing ta­lent ng iba’t ibang mang-aawit mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila.

 Matapos magwagi ni Noven, mga bata naman ang magpapakitang gilas sa pagsisimula ng Tawag ng Tanghalan Kids ngayong Lunes (Marso 13).

                                                                               

 

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with