^

Bansa

‘Magdasal ka, Leila’ - Digong

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Leila de Lima na manalangin ito ng taimtim para lumabas ang katotohanan kung mayroon man ‘panibagong katotohanan’.

Ayon sa Pangulo, walang dapat ipag-alala si de Lima sa kanyang seguridad habang nakakulong ito sa custodial center ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Quezon City.

“Tinitiyak ko na ligtas siya. Sa tingin ko, ang mga tao ay mas interesado na makita siyang nakakulong dahil sa kanyang nagawa kaysa makita siyang patay,” wika pa ng Punong Ehekutibo.

“Maaari siyang magdasal lagi na lumabas din ang katotohanan kung meron pang ibang katotohanan,” dagdag niya.

 Si de Lima ay inaresto noong Biyernes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court dahil sa kasong may kaugnayan sa pagiging protektor ng illegal drug operations sa bansa ng PNP.

Samantala, binisita na ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa si de Lima sa  selda nito kasabay ng paniniyak sa kaligtasan nito sa loob ng kanilang headquarters.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni dela Rosa na binisita niya si de Lima upang kumustahin ito sa loob ng kaniyang detention facility.

“Nagpaalam naman ako sa kanya  kung pwede ako bumisita at titignan ko lang ang kanyang sitwasyon, kung safe ba siya dun, welcome naman niya ko, kinausap ko siya, sabi ko sa kanya kung  security ang problem mo Maam, very secure ka dito, wala kang problemahin, safe na safe ka,” giit pa ni dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, kung paano ang kanilang pagtrato kina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at Jinggoy Estrada na nakaditine sa Camp Crame  ay ganito rin ang magiging pagtrato nila sa senadora.  Ang dalawang senador ay ipinakulong ni de Lima noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice kaugnay naman ng kasong plunder.  

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with