^

Pang Movies

Jasmine mas gustong maging aktibista kesa tularan si Anne!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anne Curtis

Dahil nga mag-aasawa na si Anne Curtis and eventually ay magla-lie low na sa showbiz especially when she gets pregnant at magkaroon na ng anak, natanong namin ang nakababatang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith kung may balak ba siyang palitan or sundan ang yapak ng kanyang ate.

“Magkaiba kasi kami ni ate,” sey ni Jasmine nang makausap namin siya sa presscon ng indie (independent) film niyang Baka Bukas, “stronger siya in terms of kaya niya ‘yung mga requirements ng industry na ‘to. Kaya niyang sundan, kaya niyang hindi mag-complain.

“Pero ako kasi, ano ako, eh, ang tawag sa akin ng ibang tao, ma­syadong aktibista na laging may nasasabi, laging may gustong i-share na opinion or other perspective, so I think, when it comes to following her path, I think, definitely, in terms of I want to inspire people, gusto kong matuwa ‘yung mga tao tuwing nakakausap nila ako or naririnig nila or nababasa nila ‘yung sinasabi ko or napapanood nila ‘yung mga kinukuwento ko.

“Pero in terms of fame, siguro hindi ko pa masabi kasi napakala­king responsibility talaga to be as famous as someone like her. You hold a lot of responsibility for what your fans will see from you and what they want to copy from you or to be inspired by from you.

“Ako kasi, nasa stage ng experimenting, growing up and really trying to find my place, ‘yung typical millennial problem na sinasabi nila. And I think, baka irrational pa if ever I go down the path at this stage in my life. Maybe in the future pag mas tumanda na rin ako, baka makarating din ako do’n but I’m not pressured naman to follow her path.”

Aminado si Jasmine na may kaunting takot siya sa fame in the sense na ang daming nakatingin sa lahat ng kanyang ginagawa to the point na hindi mo na kayang mamuhay nang normal.

So, ayaw ba niyang maging sikat?

“No naman, hindi ko pa kayang i-handle at the moment ‘yung ganu’ng klaseng fame. Okay lang naman, gradually, I think it will happen and I’ll learn. But as of now, hindi ko pa tingin na mararating ko ‘yun,” she said.

Zanjoe pinaulanan ng papuri ang anak

Matindi ang suportang natatanggap mula sa manonood ng child star na si Nayomi “Heart” Ramos na bida ng seryeng My Dear Heart na kasalukuyang napapanood sa primetime slot ng ABS-CBN.

Mataas ang ratings na nakukuha ng serye at laging trending ang bawat episodes lalo na nga ang mga eksena ni Heart.

Matatandaang nag-audition lang si Heart para sa My Dear Heart at na-impress na agad si Zanjoe Marudo sa kanya na gumaganap na daddy niya sa serye. Naroroon kasi ang aktor nang time na nag-audition ang bagets. At ‘yun na nga, si Heart na ang kanilang pinili.

“Sobrang cute ng batang ‘yon,” sey ni Zanjoe, “napaka-bibo, ang ganda-ganda, babaeng-babae. Kahit five years old pa lang siya, kung kumilos siya, parang. . .iba siya kina Janna (Agoncillo) at saka kina Andrea (Brillantes),” pagde-describe ni Zanjoe kay Heart.

Papuri pa ng aktor sa child star, “marami siyang talent, ang galing niyang sumayaw, tapos napapasaya niya ‘yung buong set lalo na pag hindi nagte-take. Sobrang saya namin na siya ‘yung nakuha namin.”

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with