Pulis dedo sa motorsiklo
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis matapos na maaksidente sa kanyang minamanehong motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Ang nasawi ay kinilalang si PO1 Jumar Wallace Abag, 23, tubong Kabayan, Benguet at nakatalaga Caloocan City Police.
Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-3:20 kahapon ng madaling araw sa Northbound lane ng EDSA, bago mag-Estrella footbridge, Brgy. Pinagkaisahan ng naturang lungsod ay minamaneho ng biktima ang motorsiklo at binabagtas ang naturang lugar papasok sa trabaho nang mawalan umano ito ng kontrol dahilan upang tumilapon at bumagsak ang ulo sa semento.
- Latest