^

Police Metro

Mister ko inosente sa Korean kidnap/slay - Mrs. Sta. Isabel

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagsumite si  Jinky Sta. Isabel, misis ni  SPO3 Ricky Sta. Isabel, ng mga katibayan na magpapatunay na ang kanyang mister ay walang kinalaman sa pagdukot at pagpatay sa South Korean trader na si Jee Ick-joo.

Sinabi ni Justice Secretary  Vitaliano Aguirre II na nagsumite na ng ‘proof  of innocence’ si Sta. Isabel at Jinky sa National Bureau of Investigation (NBI) upang patunayan na walang kinalaman sa pagdukot pagpatay sa Koreano. Sinabi ni Sta. Isabel sa salaysay na isinumite nito sa NBI, na sila raw ay pini-frame up lamang  ng   ilang matataas  at maimpluwensiyang  opisyal.

Pinabubulaanan din ng affidavit na nasa Angeles City, Pampanga si Sta. Isabel nang mangyari ang kidnapping noong Oktubre 18, 2016 dahil nasa meeting siya (Sta. Isabel) kasama si Superintendent Raphael Dumlao, team leader of the PNP Anti-Illegal Drugs Group at katunayan ay  inutusan pa umano siya ni Dumlao na samahan ang anak nito na pumunta sa isang bookstore at may hawak siyang dokumento na nagpapatunay ukol dito.

Sinabi rin ni Aguirre na ang asawa ni Sta. Isabel na si Jinky ay may pinakita rin na umano mga pruweba na nagpapatotoo sa sinasabi ng mister nito tulad ng litratong kuha mula sa CCTV footage na nagpapakita na ang ginamit na Toyota Hilux sa surveillance at kidnapping kay Jee ay hindi talaga kanilang sasakyan.

Ayon kay Jinky, ang kanyang Hi-lux ay may carrier at conduction stic­ker habang ang sasakyan na ginamit naman  sa krimen ay wala nito  

vuukle comment

MISTER KO INOSENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with