^

PSN Showbiz

Bela at Negosyanteng BF, split na rin!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagkahiwalay na sina Bela Padilla at ang businessman na si Neil Arce. Hindi na ibinihagi ng aktres kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Kahit hindi na magkasintahan sina Bela at Neil ay magkaibigan pa rin naman ang dalawa. “Tuloy pa rin, like ngayon nagsu-shoot kami ng movie. Okay pa rin naman kami,” bungad ni Bela.

Silang dalawa ni Neil ang nag-conceptualize ng pelikulang Luck at First Sight na pinagbibidahan nina Bela at Jericho Rosales. Dati nang business partners sina Bela at Neil kaya maayos talaga ang pakikitungo nila sa isa’t isa. “I think when it comes to that side I value his opinion more than anybody else’s kasi magka-jive kami at ‘yung utak namin pagdating sa mga trabaho at pagdating sa concepts,” giit ni Bela.

Apat na taon ang naging relasyon ng dating magkasintahan kaya malalim na rin talaga ang kanilang pinagsamahan. “Parehas naman kaming mature na tao. I would like to think na para sa age ko, I’m relatively mature. Kaya nga rin we were able to come up with a compromise na when it’s work, it’s work,” paliwanag na aktres.

Maraming mga proyekto pa raw ang nakatakdang gawan ng konsepto nina Bela at Neil na magkasama. “Marami pa kaming concepts na ginagawa together. So after this movie. Hindi pa rin ‘yun ang last. Makakatrabaho ko pa rin siya in the future. Meron kami na parang pa-start na, na next concept. So I’m going to see him the whole year,” pagtatapos ni Bela.

Xyriel hindi nagpapahinga kahit nasa awkward stage!

Nagpapasalamat si Xyriel Manabat dahil patuloy siyang nakatatanggap ng mga proyekto kahit na nagdadalaga na ang aktres. Kadalasan kasi ay nawawala pansamantala ang mga batang artistang dumadaan sa awkward stage at bumabalik na lamang sa trabaho kapag binata o dalaga na. “Mayroon po akong ginagawang teleserye. Ako po gaganap as young Maja Salvador po o si Lily sa Wildflower,” nakangiting pahayag ni Xyriel.

Ayon sa batang aktres ay binibigyang importansya niya ang pag-aaral para sa kanyang kinabukasan. Kapag may mga proyekto ay tinatanggap niya ito at isinasabay sa pag-aaral. “Kung mayroon pong show okay naman po. Kung wala pong show, focus lang po muna sa studies. Kapag may dumadating po, get lang po and receive. Bahala na po si God pero ang alam ko po para daw po malampasan ang awkward stage, kailangan daw po muna magpahinga tapos babalik po. Thankful po ako sobra kay God, kahit na nagpapahinga po ako, mayroon pong dumarating na mga projects at may nagtitiwala pa din po sa akin,” pagbabahagi ni Xyriel.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with