^

Police Metro

14-anyos ni-rape ng seaman, 3 pa

Lordeth Bonilla - Pang-masa
14-anyos ni-rape ng seaman, 3 pa
Ang biktima na sinamahan ng kanyang magulang para magsampa ng kaso sa pulisya ay itinago sa pangalang Angela.

MANILA, Philippines - Nilasing muna bago halinhinang hinalay ng apat na lalaki kabilang ang isang seaman ang isang 14-anyos na dalagita kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima na sinamahan ng kanyang magulang para magsampa ng kaso sa pulisya ay itinago sa pangalang Angela.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang dalawa sa apat na suspek na sina Alan Kevin Muyco, 24, seaman residente ng Progreso St., Brgy. 20 at isang menor-de-edad na kinila­lang si Arnold at residente rin ng lugar. Inaresto rin ang nobya ni Muyco na si Rossel Veron, 20, sales demo, ng M. Patinio St., Brgy. 30 na nagsilbi umanong bugaw.

Bago naganap ang panghahalay dakong alas-10:00 ng gabi sa loob ng bahay ni Muyco ay niyaya umano ni Veron ang biktima sa bahay ng nobyo.

Pagdating ng biktima at ni Veron  sa bahay ni Muyco ay naabutan nilang nag-iinuman ang apat na suspek.

Pinainom agad ng alak ng mga suspek ang biktima at nang mala­sing ay  halinhinan nilang itong  ginahasa.

Pagkatapos ay pinauwi na ang biktima na pagdating sa bahay ay agad isinumbong ang nangyari sa kanyang mga magulang.

Nagsampa ng reklamo ang mga magulang sa pulisya kaya’t  nagsagawa ng  follow-up operation na ikinadakip ng tatlong suspek.

vuukle comment

HINALAY NG APAT NA LALAKI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with