^

Police Metro

Mga kriminal balik-kalsada

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Balik na sa kalye ang mga kriminal partikular sa Metro Manila at karatig lalawigan na noon ay nagtago dahil sa Oplan Double Barrel at Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang assessment ng PNP kaya’t handa muli si PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na muling su­mabak sa giyera kontra droga kung ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa assessment matapos na pansamantalang manahimik ang mga drug addict na sangkot sa serye ng mga kriminalidad ay tila muli ang mga itong nagpipiyesta sa mga nangyayaring kaliwa’t kanang holdapan sa mga crime prone areas.

Nakakapagtaka ring may mga sumasalakay na holdaper sa mga establi­syemento sa Makati City at marami rin ang holdapan sa lungsod gayong dati rati ay nagaganap lamang ito sa mga natukoy na crime prone areas.

Magugunita na tinanggalan ng kapangyarihan pansamantala ni Pangulong Duterte ang PNP sa giyera kontra droga matapos ang kontrobersyal na pagdukot at pagpatay noong nakaraang taon sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo sa loob ng Camp Crame. 

vuukle comment

OPLAN DOUBLE BARRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with