^

Metro

DILG umaksyon sa awayan ng QCPD at CIDG

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Bumuo na ng independent body si Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse M. Rob­redo para magsiyasat sa gulong kinasasangkutan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ng PNP Criminal Investigation and Detection Group hingil sa umano’y pagdukot sa isang negosyante na nahatulan ng seven counts of estafa na nagkakahalaga ng P5.5 million.

Ayon sa kalihim, ang probe team ay isasagawa ng PNP Office of Internal Security. Sinabi ni Robredo, ang detalye ng kaso ay nakarating sa kanyang atensyon noon pang na­karaang Biyernes, nang ang asawa ng isa sa mga QCPD police ang nag­reklamo sa kanya na ang baril nito ay kinuha ng CIDG at hindi na ibinalik.

Nilinaw ng kalihim na ang pagsi­siyasat ay gagawin para madetermina kung sino sa dalawang grupo ang may pagkakamali, na muntik ng mauwi sa engkwentro.

Inatasan din ng kalihim ang binuong team na magsumite ng rekomendasyon na may katapat na disciplinary actions, kung maaari, laban sa mga tiwaling police officer.

Samantala, inatasan din ni Robredo sina Senior Superintendent Joel Coronel ng CIDG-NCR at Chief Superintendent Mario dela Vega ng QCPD na ipadala nito sa imbestigasyon ang kani-kanilang mga tauhang sangkot sa naturang insidente, kabilang ang mga ulat at pahayag ng mga ito kaugnay sa insidente.

Nag-ugat ang isyu matapos na maaresto ng QCPD ang suspect na si Marilyn Ong, na sangkot sa kasong anti-bouncing Checks Law sa tahanan nito sa Ayala Alabang noong Biyernes ng alas-2 ng hapon.

Ang pag-aresto kay Ong ay nakarating sa impormasyon ng CIDG na pinalalagay na dinukot ito sanhi para rumisponde ang mga huli at awatin ang mga tropa ng QCPD na dahilan para magkaroon ng munting kaguluhan.  

vuukle comment

AYALA ALABANG

BIYERNES

CHECKS LAW

CHIEF SUPERINTENDENT MARIO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MARILYN ONG

OFFICE OF INTERNAL SECURITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with