^

Metro

Ginang inatado ng dating ka-live-in

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Buhay ang naging kapalit ng isang ginang sa ginawa nitong pagtanggi sa dating kinakasama para muling magsama, makaraan siyang pagsasaksakin at mapatay ng huli sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Beth Domingo, 45, ay nagawa pang maitakbo sa FEU Hospital pero dahil sa matinding mga saksak na natamo ay idineklara rin itong dead-on-arrival.

Habang ang dating kinakasama nitong suspect na si Joemar Garcia, 59, ay mabilis na tumakas makaraang isagawa ang nasabing krimen.

Nangyari ang insidente sa mismong bahay ng biktima sa San Isidro St. Brgy. Holy Spirit sa lungsod ganap na alas-2:30 ng madaling-araw.

Ayon kay Joan, anak ng biktima, nasa loob sila ng bahay ng kanyang nanay nang biglang dumating ang suspect na lasing. Dito ay nakipag-usap ang suspect sa biktima, hanggang sa magbunot ng patalim ang una at walang awang pinagsa­saksak ang huli sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sinabi pa ni Joan, naki­kipagbalikan umano ang suspect sa kanyang nanay, pero ayaw na ng kanyang ina dahilan para magalit ang suspect at gawin ang krimen.

Nabatid na apat na taon nang magkarelasyon ang da­lawa subalit nitong nakaraang linggo ay nagpasyang makipaghiwalay ng biktima dahil umano sa pambababae ng suspect.

vuukle comment

AYON

BUHAY

DITO

HABANG

HOLY SPIRIT

JOEMAR GARCIA

NABATID

NANGYARI

SAN ISIDRO ST. BRGY

SI BETH DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with